^

Punto Mo

Mga scammers, aktibo na nitong Pasko!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

ILANG tulog na lang at Pasko na!

Kaya’t tinitiyak ng mga kosa ko na makipag-unahan ang mga Pinoy sa pagbili ng Christmas gifts para sa pamilya, kamag-anak at kaibigan gamit ang Internet. Dahil lumalakas na ang kaso ng cybercrime sa Pinas, nanawagan si Anti-Cybercrime Group director Maj. Gen. Andre Dizon sa publiko na maging mapagmatyag at mapanuri sa pagbili ng regalo gamit ang digital apps at may tsansang ma-scam sila.

Niliwanag ni Dizon na pinalakas naman ng ACG ang paghabol sa technology-enabled na kaso, lalo na kapag mabilis itong mai-report sa kanila ang detalye.

Inamin naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na tumataas na ang bilang ng cybercrimes sa Pinas at kasama sa mga biktima ay mga kabataan.

“As technology continues to shape everyday life, the PNP reminds the public that vigilance remains a shared responsibility. Through sustained enforcement, stronger public cooperation, and responsive ­policing, the PNP remains committed to protecting Filipinos online and offline,” ayon kay Nartatez. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni PNP spokesman Col. Allen Rae Co na mula October 8 hanggang 15, may 19 kaso na iniakyat ng ACG sa korte. Sampu rito ay swindling o estafa, pito ang kaso ng cyber libel at dalawa pa ang karagdagang cyber libel o paglabag ng probisyon ng Republic Act No. 10176 o the Cybercrime Prevention Act of 2012. Araguyyyyy!

Ayon kay Co, tuluy-tuloy lang ang pagpaunlad ng PNP sa kanilang kapabilidad para puksain ang mga kaso ng cybercrime sa pamamagitan ng imbestigasyon, case build-up, koordinasyon at pakipagtulungan ng publiko.

Nakalinya ito sa PNP Focused Agenda, kung saan nirerespondihan ang mga umuusbong na banta sa seguridad ng Pinas at nakabatay sa epektibong pagpatupad ng batas at serbisyo publiko, ani Co. Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Katunayan, bumabata na ang mga nasasangkot sa cybercrimes.

Mula Enero hanggang Oktubre 15, umaabot na sa 908 Pinoy ang naging biktima ng cybercrimes at 20 sa kanila ay may edad na 20-anyos at pababa. Ayon sa talaan ng ACG, 324 na biktima ay nasa edad na 19 hanggang 30, 336 sa edad na 31hanggang 45, 158 ang nasa 46 hanggang 60 at 70 ang 61 pataas.

Ipinapaliwanag ng datos ang kahalagahan ng mabilis na pag-report at malawak na kaalaman ng publiko, habang parami nang parami sa mga Pinoy ang gumagamit ng digital platforms para sa komunikasyon, transaksiyon at pang-araw-araw na aktibidad.

“Cybercrime can happen in a few clicks, but our response should be deliberate and decisive. Kapag may nag-report, we make sure that the complaint is properly handled and that every available lead is pursued,” ani Nartatez.

Mga kosa, mag-ingat vs scammers para ‘di masayang ang pera n’yo! Abangan!

SCAMMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with