‘Deep Sense of Gratitude’
‘Mare, bakit may mga batang walang deep sense of gratitude?’
‘Bakit sino ang tinutukoy mong bata’, usisa ko.
‘Yung pamangkin ko na tumira sa akin ng isang buwan’
Ang ama ng bata ay kapatid ng aking kumare. Solong anak ang kanyang pamangkin. Isang buwang nasa business trip ang kanyang kapatid at hipag kaya ang aking kumare ang nag-baby sit sa kanyang pamangking babae na 11 years old.
Isang buwang nagbuhay prinsesa sa kanilang bahay ang pamangkin. Gigising at kakain ito kung kailan gusto. First time lang tumira nang ganoon katagal sa kanya ang pamangkin. Ayaw ng aking kumare na madala ito kaya inispoyl niya. Gusto niya ay mag-enjoy ang pamangkin sa pagtira sa kanya. Pang-iispoyl na hindi niya naiparanas sa kanyang mga anak.
Noong pauwi na ang mag-asawa at kailangan nang sunduin sa airport, ang kanilang driver ay hindi kaagad dumating. Sa maikling salita ay tatlong oras na late. Maraming bitbit na mahalagang gamit ang mag-asawa kaya hindi makapagtaksi. Bukod dito, imposibleng magkasya ang kanilang bagahe.
Habang naghihintay ang mag-asawa sa kanilang driver, tinatawagan din ng mag-asawa ang aking kumare para humingi ng cell phone load at tulungan kontakin ang kanilang driver. Sa gitna ng pagkataranta ng aking kumare, siyempre nakapagdayalog siya ng: “Ano ba ang driver na ‘yan? Hindi maaasahan. Pati ako natataranta rin” Inis na inis siya sa driver.
May iba palang interpretasyon ang kanyang pamangkin sa mga dayalog niyang iyon. At hindi ito pabor sa aking kumare. Nagsumbong ito sa ama’t ina na naiinis raw ang aking kumare sa mag-asawa dahil pang-abala raw ang mga ito. Ang brother niya ang nagkuwento. Ayon sa brother, ipinaliwanag nito sa kanyang anak na sa driver naiinis ang aking kumare dahil napakairesponsable.
Hindi na lang nag-comment ang aking kumare. Nalulungkot siya dahil nanaig sa kanyang pamangkin ang negatibo nitong impresyon sa kanya. Mukhang hindi tumatak sa isip nito ang maganda niyan pakikitungo dito simula nang ito ay isilang.
- Latest