Ang ‘happy chemicals’ sa iyong katawan
• Endorphins: Ito ang chemicals na nanggagaling sa iyong katawan upang magsilbing painkiller at stress reliever. Paano magpo-produce ng endorphin ang iyong katawan: Sa pamamagitan ng exercise, at palagiang pagtawa (manood ng comedy). Dapat kainin para magka-endorphins: Vanilla flavoured foods, haluan ng sili o paminta ang pagkain.
• Serotonin: Ito ang happy chemicals na kailangan para maranasan mo ang mahimbing na pagtulog, maging balanse ang mood at magkaroon ng ganang kumain. Paano makakamtan ang serotonin: Pagpapaaraw sa umaga, laging magpasalamat sa lahat ng biyaya at laging mag-meditate. Dapat kainin: Saging, walnuts, maghalo ng saffron sa mga pagkain.
• Dopamine: Ito ang lumalabas sa katawan kapag ikaw ay nasisiyahan sa iyong ginagawa, nakakatanggap ng reward pagkatapos magtrabaho/magsikap, may nagsisilbing inspirasyon kaya nagtatrabahong mabuti. Paano magkakaroon ng dopamine: Kapag nag-set ng goal, mag-umpisa muna sa small goals o sa easy level para sure ang tagumpay. Nakakatamad kasi kung sa umpisa pa lang ay nabibigo ka na agad. Isa pang paraan ay mag-aral ng new skills. Ang dapat kainin para magkaroon ng dopamine: Uminom ng hot chocolate tablea o green tea at kumain ng almonds at avocado..
• Oxytocin: Ito ang tinatawag na love hormone. Lumalabas ito sa katawan kapag maligaya ka sa iyong buhay pag-ibig. Paano makakapag-produce ng love hormone bukod sa pag-ibig? Sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Yakapin ang mga mahal sa buhay. Dapat kainin: Strawberries, chamomile tea.
- Latest















