‘Kandila’ (Part 5)
ISANG Biyernes na tinulungan ko si Lola Feliza sa kanyang panggagamot ay may sinabi siya sa akin na labis kong ikinagulat. Nagpapahinga kami sa silong ng bahay noon. Ang dalawa kong pinsan na sina Bino at Oskee ay nasa school pa. Hindi sila nakatulong sa panggagamot ni Lola dahil mayrong exam. Ako naman ay talagang hindi pumasok ng araw na iyon dahil na-exempt ako sa lahat ng subjects—mataas ang mga nakuha ko kaya hindi na ako pinapasok. Tinulungan ko na lang si Lola sa panggagamot.
“Freddie di ba inaayos mong mabuti ang mga kandila natin?’’
“Opo Lola. Bakit po?’’
“Mayroon ka bang napansin sa mga kandila na payat?’’
“Meron po.’’
“Nasaan?’’
“Tinago ko po! Binalot ko sa telang pula.’’
“Anong kulay?’’
“Itim po!’’
“Suwerte!’’
“Ano pong suwerte?’’
“Susuwertehin kang bata ka!’’
“Bakit po?’’
“Kunin mo ang payat kandila na payat at may sasabihin ako. Ingatan mong huwag mabali!’’
Kinuha ko ang kandila.
(Itutuloy)
- Latest




















