16-anyos na painter, sa mga laglag na dahon iginuguhit ang mga obra
KUNG ang ibang pintor ay gumagamit ng mga canvas na gawa sa papel o tela, kakaiba naman ang ginami ni Joanna Wirazka, 16, mula sa Poland, para iguhit ang obrang sining. Gumagamit siya ng mga nalaglag na dahon.
Si Joanna, isang self-taught artist ay nakikilala na sa kanyang mga makukulay na artworks sa tuyong dahon at hinahangaan dahil sa malakas niyang mensahe na may ka-ugnayan sa kalikasan.
Tuwing taglagas (autumn), itinatabi na ni Joanna ang kanyang regular canvas para pagtuunan ng pansin ang pamumulot ng mga laglag na dahon sa parke na malapit sa kanilang bahay.
Bawat mapulot niyang mga dahon ay iniipit niya sa mga libro para ganap na matuyo at maging flat. Pagkatapos matuyo, pipinturahan niya ang mga ito ng itim (water-based acrylic) at saka guguhitan ng makukulay na landscapes.
- Latest