Mga taong sobra ang balahibo sa katawan!
Stephan Bibrowski – Taga-Warsaw, Poland. Kilala siya bilang si Lionel the Lion-Faced Man, ang sikat na sideshow performer. Punumpuno ng balahibo ang buo niyang katawan na naging dahilan para maging kamukha siya ng leon. Isang pulgada ang haba ng kanyang buhok sa katawan.
Ipinanganak si Stephan noong 1891 sa Warsaw at ayon sa kanyang ina, ang pananakit o paggulpi ng kanyang asawa sa isang leon ang dahilan kaya naging balahibuhin ang anak. Buntis umano siya kay Stephan nang masaksihan ang panggugulpi sa leon.
Namatay si Stepahn noong 1932.
• • •
Pruthviraj Patil – Taga-Sangali, Mumbai, India at anak ng isang mayamang magsasaka. Mayroon siyang “Werewolf Syndrome” kaya ang kanyang mukha at katawan ay nababa-lutan nang makapal na balahibo. Sinubukan na ng kanyang mga magulang ang lahat nang paraan o mga gamot gaya ng traditional Ayurvedic remedies, laser surgeries at homeopathy, subalit walang nakapagpagaling sa kundisyon ni Pruthviraj.
• • •
Fedor Jeftichew – Ipinanganak noong 1868 sa St. Petersburg, Russia. Kilala siya bilang si “Jo Jo The Dog Faced Boy”. Subalit sa kabila ng kanyang kaanyuan, bumuhos ang maraming biyaya kay Fedor. Sumikat siya at yumaman.
Nagtrabaho siya sa sikat na kompanyang P.T. Barnum sa edad na 16 at nagkaroon nang magandang posisyon. Matalino si Fedor. Nakakapagsalita siya ng Russian, German and English.
- Latest