Sampaguita (144)
DINAMPOT ni Sam ang baso ng juice. Ininom. Walang itinira.
Nakatingin naman si Levi at nakangiti. Ayos na! Sa akin ka na
Sam baby!
“Kailan tayo pupunta sa probinsiya para bisitahin ang lola ko, Levi?’’
“Ha? A e kailan mo ba gusto, Sam?’’
“Sa Sunday, puwede ka?’’
“Oo, sige sa Sunday punta tayo,’’ sagot ni Levi pero sa isip niya, hindi na matutuloy iyon.
“Ipakikilala kita kay Lola Rosa. Tiyak ko magugustuhan ka ni Lola.’’
“Talaga? Mabait ba siya, Sam?’’
“Oo.”
“Wala ba talaga siyang kasama sa probinsiya?’’
“Wala. Nag-iisa lang siya roon.’’
Hanggang may naisip si Levi. Ano kaya at itanong niya kay Sam kung may kilala itong Sir Manuel. Sisimulan na niya tutal naman at mamaya-maya lang ay wasak na ang pagkababae nito.
“Excuse me, Sam. Meron ka bang kilalang Sir Manuel? Yung may-ari ng isang kompanya sa Makati?’’
Pero hindi sumagot si Sam.
Inulit niya ang tanong.
Pero wala ring sagot.
Nang pagmasdan niya, tulog na si Sam. Umepekto na ang pampatulog. Sa akin ka na talaga, Sam Baby. Sa wakas, matitikman din kita! Ha-ha-ha!
NANG mga sandaling iyon naman ay nasa bahay na ni Lola Rosa si Ram. Dinala nito ang perang galing kay Sir Manuel pero ang sinabi niya ay galing kay Sam. Tuwang-tuwa ang matanda.
“Bakit hindi umuuwi si Sam?’’
“Busy po siya Lola.’’
“Kung makakausap mo si Sam, pakisabi mo na gusto kong umuwi siya. Kasi parang hindi na ako tatagal.’’
“Opo Lola.’’
“Ipaalala mo rin sa kanya ang mga mutya na ibinigay ko sa kanya. Mabisang panlaban iyon sa magtatangka ng masama. Huwag niyang aalisin sa bag.’’
“Ano pong mutya?’’
“Parang agimat ang mga ‘yun. Panlaban sa mga taong may masamang hangarin. Ililigtas siya ng mga mutya.’’
(Itutuloy)
- Latest