^

Punto Mo

Relasyong makina

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Isang gabi, napanood ko sa YouTube ang isang lumang pelikulang Hapones na lumabas sa mga sinehan noong 2008. Meron namang subtitle na Ingles kaya maiintindihan pa rin ang dialogue at ang kuwento kahit nasa wikang Nihongo ang pelikula. Ikinukuwento rito ang hinggil sa isang babaeng cyborg na nilikha ng isang scientist. Bagaman maituturing na robot, tulad ng sa isang tao ang mga katangian ng cyborg na bukod sa kawangis ng sa tao ang mukha at katawan ay marunong ding magsalita, ngumiti, umiyak, magalit, at magmahal. Pero hindi na ito naiiba dahil marami na ring naglabasang ibang mga pelikula hinggil sa mga robot at cyborg na ipinapakitang mistulang tao na merong sariling pag-iisip at nakakakilos mag-isa. Naitampok lang sa pelikula kung paanong natutuhang mahalin ng isang robot ang isang tao na siya pang lumikha sa kanya.

Sa totoong buhay, patuloy ang pag-unlad ng mga teknolohiya sa robot sa buong mundo. Nagagamit na sila sa larangan ng industriya, medisina, at astronomiya. Meron na ngang mga robot na receptionist, waiter at caregiver at meron pa ngang nagagamit sa mga giyera. Kung tutuusin, mga robot din ang mga spacecraft na ipinapadala ng mga scientist sa ibang mga planeta tulad sa Mars.

Pero isang robot na lover? Puwede bang magmahalan ang isang robot at ang isang tao?  Sa takbo ng pagsulong ng teknolohiya, hindi malayong magkaroon ng ganitong robot sa hinaharap na puwedeng umibig at ibigin ng tunay na tao pero tiyak na magkakaroon ng mga kumplikasyon. Sinasabing alternatibo ito para sa mga taong nag-iisa sa buhay, mga nangu­ngulila sa pagmamahal at yaong mga laging bigo sa pag-ibig. Pero pahihintulutan kaya ng lipunan ang isang matuturing na relasyong makina?  Papayag kaya halimbawa ang simbahan na ikasal ang isang magkasintahan na ang isa sa kanila ay isang robot lamang kahit pa sabihing kumikilos ito  at meron ding damdaming tulad ng sa totoong tao?

Sa kasalukuyan nga lang, meron nang mga robot na inimbento para kumalinga sa mga matatanda.  Nagsisilbi silang caregiver sa mga senior citizen na walang kamag-anak na maaaring kumalinga sa mga ito. Uso ito sa mga bansang mas malaki ang populasyon ng matatanda kaysa sa mga nakakabata.  Pero ang robot na merong kakayahang magmahal at umibig sa isang tao ay isang usapin na dapat siguro pag-aralan ng mga merong kinalaman sa teknolohiya ng robot. Papayag kaya silang maimbento ang isang robot na lover?

ACIRC

ANG

BAGAMAN

ISANG

MERON

MGA

NBSP

PAPAYAG

PERO

ROBOT

TAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with