^

Punto Mo

Walk the talk Gen. Marquez!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

ABOT-LANGIT ang pagsisigaw ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez na meritocracy ang paiiralin n’ya patungkol sa promotions ng mga police officials sa liderato niya, subalit mukhang baliktad ang nangyayari sa Camp Crame. Ang ibig sabihin ni Marquez mga kosa ay kapag nagtrabaho ang mga police officials, may premyo na nakalaan para sa kanila. Subalit mukhang masusubukan kaagad ang meritocracy advocacy ni Marquez sa promotions nina Supt’s. Glenn Dumlao at Arthur Bisnar. May kumakalat kasi na white paper sa Camp Crame na kinukuwestiyon at inaalmahan ang promotions nina Dumlao at Bisnar, na kung hindi maaksiyunan ni Marquez ay maaring magdulot ng demoralization sa hanay ng junior officers, lalo na ‘yung mga graduate ng PNPA. Usap-usapan na kasi ng mga klase hindi lang sa PNPA, kundi maging sa PMA, kung bakit kailangang maupo sina Dumlao at Bisnar sa juicy position samantalang marami sa kanila ay hindi pa nabigyan ng pagkataon na maging commander. Sa tingin kasi ng junior officers, hindi angkop sa meritocracy advocacy ni Marquez ang pag-upo nina Dumlao sa Motor Vehicle Clearance Office (MVCO) ng Highway Patrol Group (HPG) at Bisnar, bilang commander ng PRO4-A ng CIDG. Boom Panes! Hehehe! Mababawasan ang kinang ng meritocracy advocacy ni Marquez kapag hindi n’ya naituwid ang nire-reklamo ng junior officers sa kanilang “white paper”, di ba mga kosa? T’yak ‘yun!

Itong sina Dumlao at Bisnar ay mga bata ni dating PNP director at Sen. Ping Lacson noong hepe pa siya ng PAOCTF sa Camp Crame. Si Dumlao ay nagtago sa US matapos masangkot sa Dacer-Corbito case. Ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, inabot ng halos 10 taon si Dumlao sa US at na-deport lang sa Pilipinas matapos maaresto ng US authorities doon. Pagdating niya sa Pinas, si Dumlao ay bumalik sa PNP at nagtago bilang hepe ng kung anu-anong unit sa PRO4-A, kabilang na pagiging hepe ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) at Imus PNP sa Cavite. Si Bisnar naman ay tumakas din sa US at naging nurse pa roon sa loob din ng halos sampung taon. Bumalik din sa Pinas matapos bumaba sa puwesto si Pres. Gloria Arroyo at siyempre pa pumasok na muli sa PNP. Nagtago din si Bisnar sa CIDG bilang hepe ng intelligence division. Sinabi ng mga kosa na ang puwesto ni Dumlao bilang hepe ng MVCO at ni Bisnar bilang regional officer ng Calabarzon CIDG ay masasabing mga “juicy position” sa PNP o may pitsa rito. Kaya ang junior officers na  naglalaway na maging hepe ng MVCO at RO ng Calabarzon ay nagtataka kung bakit pinahintulutan ito ni Marquez. Boom Panes! Maliwanag kasi na taliwas ito sa meritocracy na isinisigaw ni Marquez! Hehehe! Weder-weder lang  yan!

Sa totoo lang, matatawag na TO position ang mga puwesto na inupuan nina Dumlao at Bisnar. Ang ibig sabihin ng mga kosa ko, nakalaan lang para sa senior supt. o colonel ang mga puwesto kung pairalin ang tamang promotion ladder ng PNP. Kaya naupo sila sa TO position para ma-promote sila sa pagka-Sr. Supt., di ba mga kosa? Sa ngayon, halos kinakalaban na ni Lacson ang Aquino administration subalit bakit na-premyuhan pa ang mga bata niya sa PNP? ‘Yan ang tanong ng junior officers, Gen. Marquez Sir! Sa ngayon, plano ng junior officers na magpunta rin hindi lang sa US, kundi maging sa ibang bahagi ng mundo, at pagkatapos umuwi para mabigyan din sila ng pagkataon na humawak ng “juicy position” sa PNP. Hehehe! Ano ba ‘yan? Napalusutan kaya si Marquez? Anong say nHyo mga kosa? Ang hamon ngayon ng mga kosa ko sa Camp Crame,   Walk the talk Gen. Marquez Sir!W Abangan!

ACIRC

ANG

BISNAR

BOOM PANES

CAMP CRAME

DUMLAO

HEHEHE

KOSA

MARQUEZ

MGA

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with