^

Punto Mo

‘Umiwas sa patibong ng road rage’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA mga bibiyahe sa malalayong probinsya ngayong Kwa­resma, umiwas sa patibong ng road rage.

Ito ’yung bayolenteng reaksiyon ng mga motorista tulad ng pagmumura, pangungutya, pananakit at madugong kompron­tasyon na nauuwi sa pagpatay sa kapwa motorista.

Madalas itong eksena sa kalsada kapag masikip ang trapiko. Nagkakagitgitan ang mga sasakyan, ungusan, karerahan, lama­ngan at agawan ng linya.

Mga simpleng paglabag sa batas-trapiko subalit ang hindi mo nalalaman, anumang oras mahuhulog ka na sa BITAG ng road rage.  

Sa bansang Latin Amerika, mataas ang insidente ng road rage. Nasa kultura kasi ng mga Espanyol ang pagiging “macho,” mainitin ang ulo at pagiging agresibo sa lansangan.

Sa mga Pinoy na likas ang pagiging pasensyoso, maraming factor o sanhi kung bakit umiinit ang ulo ng isang motorista.

Maaaring may problema sa pamilya, problemang-pinansyal, emosyunal, problema sa trabaho at pinagtatrabahuhan o ’di naman kaya kulang sa sapat na pahinga.

Ayon sa mga dalubhasang psychiatrist at psychologist, dahil tag-init, madali ring uminit ang ulo ng mga nasa likod ng manibela. Idagdag pa rito ang lalo pang sumisikip na lansangan.

Kaya sa mga ba-biyahe ng malayuan, siguraduhing mayroon kayong maayos na tulog at pahinga.

Huwag nang antaying ispatan pa ang mga naghuhurumentadong siga sa lansangan. Bagkus, makiramdam na lang at huwag nang patulan. Nang sa gayun, hindi na mauwi pa sa madugong komprontasyon.

Tips pa ni BITAG,  makinig ng music habang ninanamnam ang kabuuan ng biyahe at pagmamaneho.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

AYON

BAGKUS

ESPANYOL

HUWAG

IDAGDAG

LATIN AMERIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with