17 Tips para hindi magmukhang Matanda……kahit over 50 ka na
Pahiran ng lotion na may ingredients na retinol, salicylic acid, or alpha hydroxy acid ang kamay, braso, siko, legs, at tuhod araw-araw.
Ihalili ang paggamit ng sunscreen lotion kung lalabas ng bahay at matindi ang sikat ng araw, at least SPF 30.
Gumamit ng blue based eyeshadow at liner upang matakpan ang pamumula ng mata dulot ng pagod.
Kapag tumatanda na, nagiging “humpak” ang pisngi. Upang makalikha ng ilusyon na pisnging matambok, pahiran ng light red blush on ang cheek bones. Lalong “nakakahumpak” ng pisngi ang dark red blush on.
Bago mag-make-up, aplayan muna ang mukha ng moistu-rizer upang hindi mahalata ang soft lines.
Gumamit ng pampahid sa mukha, sa gabi, na may ingre-dients na Vitamin C at E.
Kumain ng Brazil nuts na pinakamayaman sa selenium, ang nagpoprotekta sa kutis mula sa perwisyong sinag ng araw. Ngunit kung wala, may selenium din ang cashew at sunflower seeds.
Ang isang bagay na nakakatanda ng hitsura ay dry na buhok. Kadalasan, may mga hair treatments ngayon na nagiging dahilan ng pagkatuyo ng buhok. Upang hindi ma-dry ang buhok, gumamit ng hair straightening device (plantsa ng buhok) na may ionic technology. Kapag sinabing ionic technology, ang device ay may tourmaline na humahadlang upang ma-expose sa hot temperature ang buhok.
Mananatiling shiny ang buhok na bagong kulay, kung ang conditioner na gagamitin ay dadagdagan ng 2 drops orange at grapefruit essential oil.
Kailangan nang kulayan ang buhok kung 40 percent na ang puti ng iyong buhok.
Gumamit ng pink nail polish upang matakpan ang yellowish na kuko.
Nakakatanggal ng brown spots sa mukha ang facial cream na may 2 percent hydroquinone.
Upang mabawasan ang paninilaw ng ngipin, sepilyuhin ang ngipin ng mixture na ito: 1 kutsarita baking soda + 2 drops hydrogen peroxide. Haluin mabuti at ito ang gamitin bilang toothpaste. Hayaang nakababad ang ngipin ng 2 minutes, saka magmumog. Huwag lulunukin.
Magiging younger looking ang lips kung papahiran muna ito ng lip balm bago aplayan ng lipstick.
Gamitin ang lipstick na may soft color kagaya ng berry, rose and apricot. Nakakatanda ang dark colors kagaya ng brown.
Ang lip pencil ay dapat na kakulay ng inyong lips, hindi kakulay ng lipstick.
Smile. Marami nang pag-aaral ang isinagawa – 100 % na nakakabata ang palagiang pagngiti.
- Latest