^

Punto Mo

Manong Wen (209)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BABALIKAN kita rito Tatang Nado,” sabi ni Jo habang pababa sila sa masukal na lugar. Malapit na raw sila sa paanan ng bundok, sabi ng matanda.

“Sana’y matupad ang sinabi mo. Kasi’y sa layo nitong bundok na ito, parang imposible na makabalik ka. Isa pa’y mahirap ang pag-akyat. Pababa ang mabilis. Para ring buhay ng tao na ang mahirap ay ang pag-akyat sa tugatog na dapat pagpawisan. Mabilis lang ang pagbulusok.”

Matalinhaga ang mga sinabi ni Tatang Nado. Pero totoo ang kanyang sinabi. Mahirap talagang makamit ang tagumpay. Kailangang pagsikapang mabuti.

“Pangako, Tatang Nado, babalikan kita.’’

“Sige, ikaw ang bahala. Pero kung napag-isip-isip mo na mahirap palang umakyat dito, bumalik ka na. Okey lang sa akin kahit hindi mo ako madalaw.’’

“Gagawin ko, Tatang Nado.’’

Malapit na sila sa paanan nang biglang mapatigil sa paglalakad si Jo. Nasa unahan si Jo at kasunod si Tatang Nado. Hindi siya makakilos. Paano siya kikilos sa oras na iyon gayung nasa harap niya ang isang kobra. Mapulang-mapula. Iyon ang sinasabing Philippine cobra na tinatawag ding “ulupong’’. Mabagsik ang kamandag ng “ulupong”. Kapag nakagat ang tao, wala pang kalahating oras ay naghihingalo na.

Nakita ng matanda ang panganib. Relaks lang siya.

“Huwag kang kikilos, Jo. Akong bahala. Hindi uubra sa akin ang kobra na ’yan!’’

Parang tuod si Jo na naka­tingin lang sa sumisingasing na kobra. Sa bawat singasing ay lumalapad ang leeg. Sa isang maling kilos, tiyak na tutuklawin siya at dadaloy sa kanyang ugat ang mabagsik na kamandag.

Umikot si Tatang Nado. Nang nasa likuran na ng kobra, walang anumang dinampot ang buntot nito. Itinaas ang kobra. Hindi makakilos ang kobra. Ni hindi maigalaw ang ulo. Naging inutil ang kobra na tila nawala ang kabagsikan.

Lalo pang nagulat si Jo sa sunod na ginawa ni Tatang Nado. Pinaikut-ikot sa ere ang kobra habang hawak sa buntot. Pabilis nang pabilis ang pag-ikot. Tumutunog sa bawat pag-ikot na tila hihip ng hangin.

(Itutuloy)

AKONG

GAGAWIN

HUWAG

KOBRA

MALAPIT

NADO

PERO

TATANG

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with