^

Punto Mo

‘Nilapa ng Pating’

- Tony Calvento - Pang-masa

SEMENTERYO ay susuyurin, puntod ay sisilipin, lapida ay susuriin. Kapag walang bakas na pumanaw na, kailangang maghintay dahil baka ilang taon ang lumipas bumangon ang inaakalang patay.

“Matagal na panahon nang nalunod sa pangingisda ang asawa ko. Malamang kinain na siya ng mga pating sa dagat,” panimula ni Deling.

Mula sa Valenzuela City ang 72 taong gulang na ginang na nagsadya sa aming tanggapan, si Madeline ‘Deling’ Padonan, dating naglalako ng isda. Si Deling ay tubong-Negros Occidental.  Labing pitong taong gulang siya nang magpunta sa Maynila para magtrabaho bilang serbidora sa isang kainan sa Navotas. Dito niya nakilala ang unang asawa na si Prudencio Tan, isang mangingisda.

“Isang linggo silang dumadaong sa Navotas Fish Port dala ang napangisda. Pagkaubos, mangingisda na sila sa ibang lugar,” ani Deling.

Naging magkarelasyon sina Prudencio at agad nagsama. Kinasal agad sila sa Huwes sa Caloocan. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Dalawang taon pa lang ang panganay nila nang isang araw puntahan siya ng amo ni Prudencio. “Kasama raw ang asawa ko sa mga mangingisdang nalunod sa Mindoro…” wika ni Deling. Kwento ni Deling, kasagsagan ng bagyo nun nang tumaob ang bangka ng mister. Natangay sila ng alon at tuluyang nilamon ng dagat. Nagbigay ng P10,000 ang amo ni Prudencio kay Deling. Umuwi ng Negros si Deling at mga anak. Nagtinda sila subalit nalugi rin ang kanyang negosyo kaya’y balik Maynila sila dalawang taon makalipas. Pumasok bilang tindera sa Malabon si Deling. Nakilala naman niya rito ang pangalawang asawa na si Rosauro Padonan o “Roming”, tubong-Malabon. Nasa 45 anyos na nun si Roming, binata umano ang pakilala sa kanya. Nagsama agad sina Deling. Dinala siya ni Roming sa bahay nila sa Malabon. Wala siyang naging problema sa asawa at pamilya nito. Tanggap din nila ang mga anak sa unang asawa.

Anim na taon silang nagsama ni Roming bago sila ikasal. Apat na ang anak nila noon. Isang taon makalipas nagpunta sa Brunei ang mister at nagtrabaho bilang mason.  Labing limang taon din daw nagtrabaho sa ibang bansa si Roming. Nakapunta siya sa Saudi Arabia at nitong huli sa Libya naman­.   

“Nung nagkaedad na ang mister ko. Tumigil na siya sa pag-aabroad at nanatili na lang kami sa bahay,” sabi ni Deling.

Hindi nagkaproblema ang mag-asawa dahil nakapagpundar sila ng bahay at sasakyan. Wala na rin silang alalahanin dahil malalaki na ang anak nila. Mahigit isang dekada ding ga­nito ang sitwasyon nila hanggang sa dumating ang taong 2008, nagkaroon ng sakit ang mister.  Natuklasan daw na may problema ang kanyang kidneys. Nagpagamot naman si Roming kaya’t umaayos ang kanyang kundisyon. Ika-29 ng Hunyo 2012, bigla na lang nanikip ang kanyang dibdib at hindi makahinga. Sinugod nila si Roming sa Fatima Hospital at nalamang meron na pala itong pulmonya. Isang araw lang siyang ginamot, patay siya agad.

“Mahirap para sa’min pero matanda na rin si Roming at mahina na katawan niya. Kaya tinanggap na naming hanggang dun na lang,” ani Deling.

Inilibing si Roming ilang araw makalipas sa Sacred Heart Memorial, Dalandanan, Valenzuela City. Mabilis namang inayos nila Deling ang Burial Benefit ni Roming sa kanyang Social Security System (SSS) saValenzuela Branch.

Nakuha ang kanyang Burial Be­nefit na nagkakahalaga ng P20,000. Inasikaso rin niya ang pension na matatanggap niya para sa death claim ng asawa. Dito na nagkaproblema si Deling. Aniya, hinihingian siya ng SSS ng death certificate ng una niyang naging asawa na si Prudencio Tan. Bagay na hindi naman maisumite ni Deling.

“Namatay siya sa lunod, sa dagat kaya hindi ko na inasikaso nun ang death certificate niya dahil ni bangkay niya ‘di ko na nakita,” paliwanag niya.

Hanggang sa kasalukyang hinihintay pa din ni Deling ang pensyon na kanyang matatanggap dahilan para magsadya siya sa aming tanggapan kasama ang anak niya kay Prudencio na si Evangeline Valderama.

Itinampok namin ang mag-ina sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ. (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12NN).

Para maliwanagan sina Deling kinapayan namin sa radyo ang Social Security Officer 4 na si Ms. Cecil Mercado, ng SSS-Main Branch. Nagulat kami dahil lumabas sa rekord ng SSS na ang problema pala sa SSS ni Roming na meron pa siyang ibang benepisyaryo. May ibang asawa at mga anak na nakasulat sa kanyang E1 Form. Mabilis na sumagot si Deling na ang alam niya walang ibang asawa si Roming at tanging siya lang. Nilinaw ng SSS na kaya hindi nila maibigay ang benepisyo ay dahil baka maging contested claim ito kinalaunan. Ipinaliwanag din ni Ms. Mercado na kaya nila pinapakumpleto lahat ng dokumento ay para makasiguro sila na sa tamang benepisyaryo mapupunta ang pensyon­ (rightful beneficiary). Pagdating naman sa death certificate ng una niyang asawa na hinihiling din daw ng SSS. Kahit pa nalunod ito, kailangan pa rin ng supporting documents na magpapatunay na patay na nga ang una niyang asawa bago magpakasal kay Roming.

“Kung ’di nakita ang bangkay kailangan, nag-marina protest sila para mapatunayang patay na nga ang unang asawa,” paliwanag ni Ms. Mercado.

Ganun pa man, mas problema ngayon ni Deling ang iba pang benepisyaryo na lumalabas sa SSS ni Roming. Ang unang hakbang ngayon ng SSS ay hanapin ang nawawalang benepisyaryo at ilagay sa SSS Publication Notice sa loob ng 60 araw sa pahayagan na may national circulation. Dito malalaman din kung wala ng maghahabol sa benepisyo ni Ro­ming at mapupunta na ito kay Deling.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kinabigla ni Deling ang lumabas sa rekord ng SSS. Diniretso naman namin siyang nasa 45 anyos na itong si Roming nang kanyang makilala kaya’t hindi malayo na may una na itong naging asawa bago siya. Bagay na maaring inilihim sa kanya ni Roming. Dahil dito, pinayuhan namin siya na kumuha ng Certificate of No Marriage (CENOMAR) sa Philippine Statistics Authority (PSA) para malaman kung may ibang pinakasalan si Roming maliban sa kanya. Matapos gawin ito dumiretso siya sa SSS para sa ligal na hakbang na maari niyang gawin. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre Bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038. O mag-message sa www.facebook.com/tonycalvento

 

ASAWA

DELING

NILA

NIYA

PARA

PRUDENCIO

ROMING

SIYA

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with