^

Punto Mo

Mapayapa at ligtas na Bagong Taon sa inyong lahat

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

BISPERAS ng Bagong Taon, at sa ganitong panahon ay busy na ang marami sa paghahanda para sa ipagdiriwang mamaya.

Nakaalerto ang mga kinauukulan sa nakaugaliang mga pagpapaputok.

Sana naman ay huwag nang maging pasaway ang marami nating mga kababayan.

Maging aral at matuto na sana tayo sa taun-taon na lamang na nangyayari, dahil sa mga paputok. Sa kabila ng maraming paalala eh arya pa rin nang arya.

Marami nang bayan at lungsod sa buong bansa, ang nag-ban ng mga paputok. Kung meron man, naglaan lamang sila ng lugar na doon pwedeng mag-ingay ng mga firecrackers na kanila lamang pinapayagan.

Kung kailangang tutukan ang mga naglalakasan at ilegal na mga paputok, dapat ding mabigyan ng masusing pagbabantay eh ang indiscriminate firing.

Sana naman eh huwag nang mandamay ang mga pasaway na ito.

Kung sa paputok, ang mismong nagpapaputok ang nasusugatan sa indiscriminate firing­ iba ang siyang nada­damay. Ito ang mas nakakatakot.

Hangad natin na masalubong ang Bagong Taon na mapayapa at ligtas.

Maligayang Bagong Taon po sa inyong lahat.

vuukle comment

BAGONG TAON

HANGAD

MALIGAYANG BAGONG TAON

MARAMI

NAKAALERTO

NANG

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with