^

Punto Mo

Ginamitan ng tae ng Panda: Pinaka-expensive na tsaa sa buong mundo, matatagpuan sa China!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ALAM n’yo kung magkano ang presyo nang pinaka-mahal na tsaa (tea) sa buong mundo? Nagkakahalaga ito ng $77,000 isang kilo. Wow!

Matatagpuan ang mahal na tsaa sa Sichuan Province, Southwestern China.

Napaka-mahal ng tsaa sapagkat kakaibang fertilizer ang ginamit ng Chinese entrepreneur na si Yanshi An para makapag-produce nang mamahalin at perpektong lasa ng tsaa at meron pa umanong medicinal value. Ginamit niyang fertilizer ang tae ng panda.

Gumamit si Yanshi ng tae ng panda para magkaroon nang magandang resulta ang kanyang proyekto. Si Yanshi ay dating teacher ng calligraphy sa Sichuan University.

Bumili si Yanshi ng 11 tonelada ng tae sa panda breeding center bilang pasimula ng kanyang negosyo.

Naniniwala si Yanshi na maraming bibili ng iha-harvest na tssa sa darating na spring. Naniniwala ang mga Chinese na ang mga inaning dahon ng tsaa sa panahon ng tagsibol ay pinaka-mahusay at epektibo.

Nagkaroon ng ideya si Yanshi na mahusay ang tae ng panda bilang fertilizer sa tssa sapagkat inaabsorb ng panda ang 30% ng kinakain nitong bamboo at ang natitirang 70% ay kanilang itinatae.

Ang bamboo na kinakain ng panda ay katulad sa green tea na may cancer preventative. At kung 70% ng bamboo ay itinatae ng panda, siguradong cancer preventative ang kanyang mga tea.

Ganoon man, hindi raw lahat ay pera ang hanap ni Yanshi, gusto rin niyang makatulong sa kalikasan at maprotektahan ito. Gusto niyang mawala ang chemical fertilizers at mapalitan ng natural fertilizers gaya ng tae ng panda. Gusto rin daw niyang makatulong sa sangkatauhan para maiwasan ang sakit na cancer.

BUMILI

GANOON

NANINIWALA

PANDA

SI YANSHI

SICHUAN PROVINCE

SICHUAN UNIVERSITY

SOUTHWESTERN CHINA

YANSHI

YANSHI AN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with