^

Punto Mo

Manong Wen (73)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG beses pang idina-yal ni Princess ang number ni Mang Jo pero busy ang linya. Nag-isip si Princess: Hindi kaya nagpalit ng number si Mang Jo. O baka naman hindi lang nito sinasagot at masyadong busy. Baka mayroon nang ibang pinagkakaabalahan? Baka mayroon nang nililigawan? Sabagay, binata naman si Mang Jo kaya walang masama kung manligaw. Masu-werte ang babaing liligawan ni Mang Jo.

Nag-worry si Princess sa hindi pagsagot ni Mang Jo. Kung kailan pa naman kailangan ang tulong ay saka hindi ito sumasagot. Kaila-ngang mayroon silang katulong ni Precious sa pagsolb ng problema ukol sa hayup na si Chester na balak silang guluhin at gawaan nang masama. At malaki ang kutob ni Princess na balak kidnapin ni Chester si Precious. Mabuti na lamang at nakapagtago si Precious.

Ayaw naman niyang magsumbong sa mga pulis. Ano ang sasabihin niya sa mga pulis? Baka magmukha siyang tanga. Baka sa dakong huli, siya pa ang kasuhan ni Chester. At gaano siya kasiguro na ang mga pulis na lalapitan niya ay mga tapat na pulis. Maraming pulis na gumagawa nang masama ngayon. Baka ang malapitan niya ay kasapakat pa pala ni Chester. Lalo lamang niyang pinalubha ang sitwasyon.

‘‘Ate!’’

Nagulat siya sa tawag ni Precious.

‘‘Ano yun? Ginulat mo naman ako.’’

“Natawagan mo na ba si Mang Jo?’’

‘‘Busy ang linya. Kanina pa ako dayal nang dayal.’’

“Baka nagpalit ng cell?’’

“Iyon din ang hula ko. Susubukan ko uli mamaya at hanggang bukas. Kapag hindi pa sumagot, talagang nilayuan na tayo.’’

Nakadama ng takot si   Precious.

“Paano tayo Ate?’’

“Huwag kang matakot. Narito ako at hindi kita pa­babayaan.’’

Tinawagan uli ni Prin­cess si Mang Jo pero walang sumasagot. Nagsawa na siya. Hindi niya alam na nagkaroon ng problema sa cell phone ni Mang Jo nang bumagsak ito.

 

NANG mga sandaling iyon naman ay plantsado na ang plano ni Mang Jo. Balak niyang bumili ng lupa at bahay sa barangay nina Princess. Lihim niyang gagawin iyon. Gusto niya mapalapit kina Princess. Gusto niyang masubayba­yan ang magkapatid. Isa iyon sa pinangako niya kay Manong Wen.

Sumunod na araw, umuwi siya sa Socorro. Ingat na ingat siya at baka makita nina Princess.

Madali siyang naka­pag­hanap ng ipinagbibiling bahay at lupa roon. Paalis ang may-ari patungong Canada kaya ibinibenta ang bahay at lupa.

Nagkasundo sila ng may-ari at binayaran niya ng cash.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAKA

MANG

MANG JO

MANONG WEN

NANG

NIYA

PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with