^

Punto Mo

Ilawan madidilim na lugar

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa ilang mga lungsod sa Metro Manila, ipinatutupad na ang kautusan sa ibat-ibang establisimento na bago makakuha ng permit sa kanilang negosyo, kailangan muna ang pagkakaroon ng CCTV.

Isa rin ito sa circular na inilabas ng DILG, para umano makatulong sa pagresolba sa mga nagaganap na krimen, hindi lang sa mga lansangan kundi maging sa loob ng mga establisimento.

Paghahanda na rin ito sa inaasahang pagtaas pa ng mga street at petty crimes ngayong ‘ber months’ lalut malapit na ang Disyembre.

Ang buwang ito kasi, ay hinihintay din ng mga kawatan at dito sila madalas na umatake.

Alam nila may mga pera  marami  dahil nga sa bigayan ng ‘biyaya’ sa mga tanggapan.

Malaking bagay ang mga nakabantay ng CCTV, malaking bagay lalo na ang mga nakabantay na pulis sa paligid kahit papaano ay medyo iwas ang mga kawatan.

Mas maraming pulis ang ikakalat, mas mabuti. Mas maganda kung umiikot at hindi naglalagi lang sa isang lugar.

Pero hindi lang dapat dito natatapos, dapat rin na may umaksyon naman ang pamahalaan o mga local government para mailawan ang madidilim na lugar sa kanilang nasasakupan na doon madalas kumana ang mga kawatan.

Kapansin-pansin na marami pa ring  lugar na kahit pa sabihing pangunahing lansangan eh hindi naman naiilawan.

May poste nga wala namang ilaw at sa gabi ang tanging liwanag eh galing sa ilaw ng mga dumadaang sasakyan.

Halimbawa na rito ang sa Port area,  sa may Anda Circle patungong Roxas Boulevard, na dito madalas umatake ang mga kawatan dahil nga sa madilim ang lugar. Walang street light.

Ilang mga overpass at underpass ang madalas ding nagdidilim. Kaya nga minsan hindi rin masisi ang hindi gumagamit ng overpass o footbridge dahil takot sila sa holdap at tutok, kaya kahit sa bawal doon na tumatawid na delikado naman sa mga mabibilis na sasakyan.

Oo nga wala nang pinipiling oras ang mga kriminal at kawatan, na kahit umaga na maliwanag eh pwedeng kumana, pero, iba na rin ang maliwanag lalu na pagdating ng gabi.

Kahit papaano, pwedeng magdalawang isip ang mga ito sa maliliwanag na lugar pa nga’t kaalinsabay ang mga rumorondang pulis at tauhan ng barangay.

Dapat sama-sama para masawata ang ibat-ibang krimen na halos araw- araw eh nasusumpungan. Hindi lang isang grupo o sektor ang dapat kumilos, dapat tulong-tulong.

 

ALAM

ANDA CIRCLE

DAPAT

DISYEMBRE

HALIMBAWA

ILANG

ISA

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with