20 ‘Kapangyarihan’ ng Mani
Mas magiging “safe” at “healthy” ang pagkain ng mani kung ito ay nilaga (nasa shell), hinurno (meron o walang shell) o sinangag (wala sa shell). Ang paraan ng pagsasangag ay hahaluin sa mainit na kawali nang walang mantika.
1. Nagpapaunlad ng “fertility”. Ang mani ay mayaman sa folic acid na kailangan bago magbuntis at sa mismong panahon ng pagbubuntis. Ang folic acid ang tumutulong upang maiwasan ang abnormality sa fetus.
2. Nare-regulate ang blood sugar. Mayaman sa manganese ang mani. Ang manganese ay tumutunaw sa fat mula sa fried foods. Tinutunaw din nito nang maayos ang carbohydrates para hindi maging dahilan ng pagtaas ng blood sugar.
3. Kinokontrol ang Cholesterol. Ang mani ay may oleic acid, isang uri ng mono-unsaturated fatty acid na nagpapababa ng bad cholesterol at nagdadagdag ng good cholesterol sa ating katawan. Mayroon din itong copper na tumutulong upang maiwasan ang sakit sa puso.
4. Pinipigilan ang pagkakaroon ng sakit sa bato sa apdo. Ang pagkain ng one-fourth cup na sinangag na mani o 2 kutsarang peanut butter per week ay nakakabawas ng 25 percent tsansang magkaroon ng bato sa apdo.
5. Pinipigilan na magkaroon ng depresyon. Nagtataglay ng tryptophan, na nagpo-produce ng serotonin, ang umaasiste sa utak upang maging maayos ang ating “mood”. (Itutuloy)
- Latest