^

Punto Mo

Kung Bakit Ayokong Manood sa Sinehan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MALAKI ang tsansa na luma at makunat ang popcorn na nabibili sa entrance ng sinehan. Mas mahal pa naman ang popcorn sa sinehan. Pati ang softdrinks nila, tinakasan na ng carbonato. Basta hindi kumpleto ang “experience” kapag walang popcorn at softdrinks habang nakamulaga ako sa big screen.

Malaki ang tsansa na may makakatabi kang madaldal na may malakas na boses. Problema ito kung ang palabas ay  Tagalog movie.

Sa My Illegal Wife starring Pokwang at Zanjoe. “Naku bistado na si Zanjoe! Mabait naman si Pokwang, patatawarin ‘yan.”

Sa She’s The One starring Bea, Dingdong at Enrique.  “Ang tanga naman ni Dingdong! Bakit hindi niya mahalata na mahal siya ni Bea?”

Ang lakas tumili nang maghubad si Zanjoe. Si Enrique o si Dingdong yata (hindi ko na matandaan), naghubad din. Napalatak yung babaeng nasa likod ko. Sa tunog ng boses, parang naglalaway tapos nagsalita : Ang kinis ng katawaaaan !

Ang mga madadaldal ay nakapuwesto sa aking likuran. Mas naririnig ko ang sinasabi ng nasa likuran ko kaysa dayalog ng mga artista.

Sa The Healing, mas nagugulat pa ako sa tili ng aking mga katabi kaysa mga eksenang nakakagulat sa pelikula.  May nagsasalita pa ng—“Ayan na…ayan na…ay, umiikot na ang ulo. Diyos ko po, Diyos ko po!”

Oo, laging mga taong nasa likuran ko ang aking pinoproblema. Sa Zombading, tatawa lang, isusuntok pa ang kamay sa aking sandalan. Nakekerid awey sa mga eksena. Pinagsabihan ko. Tumigil sandali. Pero nakalimot ulit. Isinuntok muli sa aking sandalan. Hindi na ako nakatiis. Luminga ako sa likod. Mataas ang boses ko.—Puwede ba nayuyug­yog ako. Nakakasakit ka ng ulo! Natahimik. Hindi na umulit.

Pero may mas nakakapikon na nangyari sa My Illegal Wife, niyugyog din ang aking upuan pero paa ang ginamit. Damay din ang inuupuan ng aking anak dahil magkatabi kami. Paglingon ko, babae ang nagpapayugyog ng kanyang paa sa sandalan ko. E, asar na rin ang aking anak dahil ilang minuto nang tila nagba-vibrate ang aming upuan. Inutusan ko ang aking anak na siya ang magsalita. Boses ipis ako. Mahina ang dating. Nilakihan ng aking anak ang boses para mas nakakagulat: “Miss, puwedeng itigil mo ang pagsipa sa aming upuan. Kanina mo pa kami niyuyugyog! Nakakasakit ng ulo! ”

Mabilis naman pagsabihan. Tumigil kaagad. Pero kagaya ng nauna naming experience. Hindi sila nagso-sorry. Pagkatapos ng pelikula ay kasabay naming lumabas ng sinehan ang babaeng sumisipa sa aming upuan. May kasama siya na mas matanda sa kanya. Parang mag-ina. Sosyal sila base sa bihis at hitsura ng kanilang personalidad. Hmmp! Sosyal nga, wala namang urbanidad kapag nasa loob ng sinehan.

 

AKING

BEA

DIYOS

MY ILLEGAL WIFE

NAKAKASAKIT

PERO

POKWANG

SA MY ILLEGAL WIFE

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with