^

Punto Mo

Mga alien ba ang UFO?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA isang panayam noong nakaraang buwan kaugnay ng ika-45 taong anibersaryo ng unang pagtuntong ng tao sa buwan, nasabi ng isa sa mga astronaut ng Apollo 11 na si Buzz Aldrin na nakakita siya ng Unidentified Flying Object (UFO) nang mga oras na iyon. Kinagat naman at naging tampok na balita sa international media ang kanyang pahayag. Pero, marahil naisip niya ang magiging implikasyon ng kanyang sinabi, nilinaw niya agad na hindi siya sigurado kung anong klaseng UFO ang nakita niya na maaari anyang mga space debris o mga piyesa iyon nang nabaklas na bahagi ng kanilang spacecraft.

Hindi naman niya sinabi kung ang mga UFO na iyon ay sasakyan ng ibang mga nilalang na nabubuhay sa ibang sulok ng santinakpan. Pero lumikot ang imahinasyon dito ng ibang mga tao sa mundo na naniniwalang naglilihim ang mga pamahalaan hinggil sa mga alien. Namatay naman agad ang isyu dahil marahil sa paglilinaw ni Aldrin sa kanyang pahayag.

Tila may kalituhan sa salitang UFO. Sa Tagalog, mga lumilipad na bagay sa kalangitan na hindi makilala o matukoy kung ano. Kaso nga, nakasanayang ipalagay sa nagdaang mga dekada na, kapag sinabing UFO, ito iyong mga nilalang na nagmumula sa ibang planeta.

Ayon sa ilang pananaliksik, nilikha ng United States Air Force noong 1953 ang katagang UFO (UFOB noong una) para itawag sa mga kakaibang bagay na nakikitang lumulutang o lumilipad sa himpapawid. Noong 1940 at 1950, tinutukoy na UFO ang mga tinatawag na “flying saucer” o “flying disc” na sinasabing mga sasakyan ng mga alien na nagtutungo rito sa mundo.

Tama namang sabihin na UFO ang anumang bagay na nakikita natin sa himpapawid na kakaiba, katakataka, at kamangha-mangha. Pero hindi ibig sabihin agad na ang mga ito ay mga nilalang buhat sa ibang planeta. Naalala ko ang isang report hinggil sa UFO na namataan sa himpapawid ng Metro Manila. Lumitaw sa imbestigasyon na epekto lang iyon ng mga pailaw mula sa isang lugar na merong sayawan ng mga tao. Hindi ng mga alien.

AYON

BUZZ ALDRIN

KASO

METRO MANILA

PERO

SA TAGALOG

UFO

UNIDENTIFIED FLYING OBJECT

UNITED STATES AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with