^

Punto Mo

Kung may tiyaga…may fried chicken!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG lalaki ay mahilig magluto. Isang araw ay naisipan niyang mag-experiment ng kakaibang fried chicken. Kakaiba dahil tinimplahan niya ito ng labing-isang iba’t ibang klase ng herbs. Nang lutuin niya ang manok… aba, ibang klase… masarap! Upang makasiguro ay ipinatikim niya ang fried chicken sa mga kaibigan. Iisa lang ang comment ng mga nakatikim: Kakaiba ang sarap dahil walang katulad.

Nang nag-retired ang lalaki sa edad na 65 ay inialok niya ang kanyang fried chicken recipe sa iba’t ibang restaurants. Kung magugustuhan ang kanyang recipe, ang magiging kasunduan ay ganito: Sa bawat pirasong fried chicken na maibebenta ay bibigyan ang lalaki ng 5 sentimos ng restaurant. Sa kasamaang palad, rejected ang kanyang fried chicken recipe sa kauna-unahang restaurant na kanyang inalok. Magkaganoon pa man, hindi sumuko ang lalaki. Nakarating siya sa iba’t ibang lugar para lang ialok sa mga restaurant ang kanyang recipe. Sa awa ng Maykapal, may isang restaurant na tumanggap sa kanyang recipe. Ito ang ika-1,009th na restaurant na kanyang inialok. Ibig sabihin, mga 1,008 na restaurant ang nang-reject sa kanyang recipe.

Ang dami noon! Biruin mo, 1,008 restaurants ang nagsisi nang biglang mag-BOOM ang ngayo’y sikat na Kentucky Fried Chicken. Ang matiyagang lalaki na nakaimbento ng fried chicken with 11 herbs ay si Colonel Harland Sanders. Simula noon ay nagkasunud-sunod na ang mga restaurant na bumili ng recipe ni Colonel Sanders. Taong 1963 ay may 600 nang restaurant ang nakabili ng kanyang recipe. Wala pang pa­ngalan noon ang kanyang fried chicken. Naging Kentucky Fried Chicken lang ito nang bilhin ni Kentucky Governor John Brown ang recipe noong 1964. Namatay na isang multi-millionaire si Sanders noong 1990. 

 

“Success is the ability to go from failure to failure without losing your enthusiasm.” — Winston Churchill

CHICKEN

COLONEL HARLAND SANDERS

COLONEL SANDERS

FRIED

KAKAIBA

KANYANG

KENTUCKY FRIED CHICKEN

RECIPE

RESTAURANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with