^

Punto Mo

Pondohan ang DOH at DepEd sa ­ganitong ­panahon ng ­emerhensya

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KAPWA nahaharap sa malaking hamon sina DOH Sec. Edwin Mercado at DepEd Sec. Sonny Angara dahil sa posibleng maging epekto nang pang-buong mundong alarma ng super el niño na ikinababahala rin ng World Health Organization. Magreserba tayo ng pondo para sa biglaang pangangailangan ng mga kabataang estudyante at senior citizens. Kayanin kaya ni DBM Sec. Kim Robert de Leon ang pressure? ..Sige ngaa!

Ang nakaambang sobrang init na daranasin ng mundo ay hindi pangkaraniwan. Nagiging laman na rin ng sermon ng mga pari at mga pastor ng iba’t ibang simbahan ang mga nangyayari sa buong mundo. Ang sumisidhing usapin sa banta ng giyera na maaring magdulot ng gutom at mga sakit na nakamamatay. El fin de mundo? Huwag naman sana!

Nakapanlulumo lamang isipin na ang mga kongresista at senador natin ay nakatuon pa rin ang pansin sa mga proyektong malayo sa pangkalusugan at pagpapabuti ng edukasyon at kabuhayan. Ito ang mga bahagi ng lipunan na nasasandalan ng buong bansa at nagagamit bilang garantiya sa panahon ng kagipitan. Mangungutang!.’di ba? Diyan lang naman magagaling ang mga namumuno sa atin. At nanakawin pa ng mga kakutsabang contractors na demonyo!

Sa budget deliberation sa Senado ay nagpahayag si Robin Padilla na dapat ay  pagandahin naman ang mga opisina ng mga ambassador natin sa ibang bansa para naman daw may representasyon. Tama naman si Robin ‘di ba? Kaya lang, eh baka naman sinasadya ng DOF para magmukha tayong nagigipit talaga para makapangutang ulit. He he!

Papaano nga ba naman umabot sa P22 Bilyon ang nagastos ng bansa sa pagiging host natin sa 2026 ASEAN Summit na dinaluhan ng 11 pinuno ng mga bansa sa Southeast Asia at ni US Pres. Donald Trump. Napakalaki naman talagang halaga ng P22 Bilyon sa kalagayan ng pamumuhay ng bansa natin ngayon. Kung tutuusin ay tig-P2 bilyon bale ang inilaan natin sa bawat delegasyon ng 11  bansa. Ganu’n? Baka naman napayabang na tayo ng husto. Mangungutang na naman.

 

 

 

SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with