^

Punto Mo

Uok (180)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DUMAMPOT si Drew ng dalawang black uok at inilagay iyon sa kumpol ng white uok. Nakatingin naman si Tiyo Iluminado sa ginagawa ni Drew. Nasu-suspense siya sa maaaring mangyari.

Nagulat sila pareho nang makita ang ginawa ng mga black uok sa white uok. Pinapatay ng mga black uok ang mga white uok. Kinakagat nila ang mga ito sa katawan. Ilang sandali lang makaraang makagat ay hindi na gumagalaw ang mga white uok.

“Pinapatay po ng mga black uok ang white uok, Tiyo. Tingnan n’yo at isang kagat lang ay hindi na gumagalaw ang mga puti.’’

“Oo nga, Drew! Nakaka­gulat ito!’’

“Maaaring ang mga black uok ang sagot sa iyong problema, Tiyo. Di po ba sabi mo mula nang manalasa ang mga puting uok ay nabawasan ang mga nakukuha mong niyog. Sabi mo, maraming namamatay dahil sa pesteng uok?”

“Oo. Yung mga namumunga kong niyog na kinukunan ko ng dalawang buwig ay mga namatay na. Saglit lang manalasa ang mga puting uok at patay agad ang niyog. Mas mabagsik pa ang mga ito kaysa linta na parang sinipsip ang sustansiya ng niyog.’’

“Tapos na ang problema mo, Tiyo. Tiyak na malilipol ang mga white uok sa black uok. At dahil tayo ang nakadiskubre sa panlaban sa pesteng white uok, maaaring mabigyan tayo ng parangal ng Dept. of Agriculture.Tiyak na maki-credit sa atin ang pagkakatuklas sa black uok. Sisikat ka Tiyo.’’

“Ikaw din, Drew. Di ba ikaw ang nakatuklas?”

“Ikaw na lang, Tiyo. Ipauubaya ko na sa iyo ang black uok.’’

“Talaga? Salamat, Drew. Sisikat din ako kahit paano. Kung kailan ako tumanda ay saka sisikat, ha-ha!”

“Ganyan talaga ang buhay, Tiyo, maraming kababalaghan.’’

“Teka Drew, dapat may pangalan ang black uok. Anong ipapangalan natin?’’

“Teka at mag-iisip ako Tiyo…”

Makaraan ang ilang sag­lit ay may naisip na si Drew.

“Tatawagin nating UOKCOCO ang mga black uok!”

(Itutuloy)

BLACK

DREW

IKAW

OO

PINAPATAY

SISIKAT

TIYO

UOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with