^

Punto Mo

Higanteng condom, idinispley sa Chile

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG higanteng condom ang itinayo sa isang siyudad sa Chile upang magsilbing simbolo ng programa ng gobyerno na labanan ang tumataas na bilang ng mga kabataang nabubuntis.

Ang higanteng condom ay may taas na 40 feet at idinispley sa gitna ng Santiago City na kabisera ng Chile. Ang paglalagay ng higentang condom sa pampublikong lugar ay parte ng nasabing programa na inilunsad ng mayor ng Santiago na si Rodolfo Carter.

Ayon kay Carter, nais niyang mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga mamamayan ukol sa tumataas na bilang ng may sexually transmitted disease o STD at ng mga kabataan na nabubuntis ng hindi oras. Dagdag pa niya na halos isa sa limang nagbubuntis sa mga mahihirap na lugar sa Chile ay pawang mga kabataan na may edad 19 at pababa. Ito ang dahilan kung bakit pinili ni Carter na ilagay ang higanteng condom sa isang distrito sa Santiago na laganap ang kahirapan.

Mayroon namang mga kumukondena sa paglalagay ng higanteng condom sa isang pampublikong lugar. Konserbatibo kasi ang partido na kinabibilangan ni Carter at para sa mga konserbatibo ng Chile, kalaswaan ang sinisimbolo ng higanteng condom. Dagdag pa sa mga problema ni Carter ang pagiging Katoliko ng halos lahat ng taga-Chile. Hindi kasi sang-ayon ang Simbahang Katolika sa paggamit ng contraceptives kaya malaking isyu ang pagtatayo ng isang higanteng condom sa siyudad. Itinatanggi naman ni Carter ang mga paratang at paliwanag niya, ipinatayo lamang niya ang higanteng condom upang mabigyang atensyon ang problema ng kanilang bansa.

Naging positibo ang pagtanggap ng mga tao sa ginagawang paglaban ni Carter sa problema ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan.

Sunod namang plano ni Carter ang magpatayo ng isang plantasyon ng marijuana para sa mga maysakit na nanga-ngailangan nito bilang gamot. Inaasahang uulanin din ng batikos ang bagong kontrobersiyal na planong ito ni Carter.

AYON

CARTER

CONDOM

DAGDAG

HIGANTENG

INAASAHANG

RODOLFO CARTER

SANTIAGO CITY

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with