^

Punto Mo

‘Cloud seeding’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAY mga problema na dumarating sa bansa tulad ng krisis lalo na ngayong tagtuyot.

Sa iba, itinuturing itong isang malaking problema habang magandang oportunidad naman sa ilan.

Bagamat hindi pa man opisyal na inaanunsyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang El Niño, marami ng mga magsasaka ang nag-aalala sa magiging epekto nito.

Nitong nakaraang linggo, nagsagawa na ng cloud seeding ang Department of Agriculture sa ilang mga lugar sa bahagi ng norte. Ito ang paghahagis ng asin sa ere para umulan sa mga lugar na hindi pa nakakaranas ng pag-ulan.

Ibig sabihin, hindi pa man dumarating ang El Niño, mayroon ng proactive action ang ahensya sa mga lugar na tatamaan at maaapektuhan nito.

Sakaling umatake na ang tagtuyot, hindi na ganun kalakas ang impak o epekto dahil mayroon na agad silang plano at solusyon. Maliban sa cloud seeding, importante din ang irrigation system o patubig sa mga ekta-ektaryang pananim.

Ang mga magsasaka ang unang-unang makakakita at makakaramdam kung naisasakatuparan ba ang mga proyektong irigasyon, short-term o long-term project man gayundin ang pagre-repair ng mga patubigan. Hindi lang mga magsasaka ang makikinabang dito kundi pati na rin ang buong komunidad.

Ito ang isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ngayon ng DA partikular na ang National Irrigation­ Administration.

Ang punto ng BITAG dito ay ipakita ang proactive at active approach o ang maagap na pagtugon sa mga problema o krisis na dumarating.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na marami sa mga ahensya ng gobyerno ang nagpapakita ng kanilang accomplishment report na puro numero lang pero hindi naman nakikita at nara­ramdaman ng mga nasa ibaba.

Ugaliing makinig at manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga­ sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV­.

 

BAGAMAT

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EL NI

NATIONAL IRRIGATION

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with