Uok (106)
“NAKAHINGA ako nang maluwag makaraang malaman na walang nakaalam sa naging kalaguyo ni Pacita noon. Siguro’y ang nakaalam lamang ay ang batang pamangkin ni Pacita. Iyon ang maaaring nakakaÂkilala sa akin. At maÂaaring wala na rito ang batang iyon. Baka sa Maynila na nag-aaral. Kaya wala ring makakapagpatunay na ako ang lalaking naging dahilan nang lahat.’’
“Ano po ang sumunod na eksena, Sir Basil? Nangyari na po ba ang inaasam mo?†tanong ni Drew na medyo hininaan ang boses.
Napatawa si Basil pero mahina lang.
“Gustung-gusto mong marinig ang kuwento ukol doon, talagang mahusay kang tagapakinig, Drew.’’
“Kasi po ay mahusay at maliwanag kang magkuwento.’’
“Talaga, Drew? Salamat sa papuri mo.’’
“Bihira rin po kasi ang mga taong mahusay magkuwento. Ikaw po ay maliwanag na maliwanag. Parang nakikita ko ang mga ikinukuwento mo. Siguro po, mahusay ka ring susulat ng kuwento.’’
“A, hindi ako marunong nun, mahusay lang akong magkuwento gaya nang ginagawa ko sa’yo. Kapag sa sulat na, wala akong alam d’yan.’’
“A talaga pong sa oral ka magaling maglahad.’’
“Oo.’’
Sinulyapan ni Basil si Gab na noon ay busy sa pagta-type sa laptop.
“Hindi kaya naririnig tayo ni Gab, Drew?’’
“Baka po. Malakas po ang pandinig ni Gab.’’
“Kakahiya kung malaman niya ang mga nakaraan ko. Pero gusto kong ibahagi sa’yo para naman gumaan din ang loob ko. Kasi nga’y may kasalanan din ako sa mga nangyari. Mabogli kasi ako…’’
Napangiti si Drew.
“Sige, itutuloy ko na ang kuwento ukol kay Mahinhin dahil alam kong atat ka na.â€
Napangiti si Drew.
“Tinanong ko uli si Mahinhin kung sino ang kasama niya sa bahay, pero sa halip na sumagot ay sinabing may kukunin daw siya sa itaas ng bahay. Saglit lang daw siya sa second floor. Maghintay daw ako.
“Nagtaka ako, hindi kaya may tao sa itaas at isi-set-up ako. Nahihiwagaan ako kay Mahinhin. Parang may balak sa akin…’’
“Naghintay ka po?†tanong ni Drew.
“Oo. Pero ang tagal niya sa itaas. Kinabahan na ako…â€
(Itutuloy)
- Latest