^

Punto Mo

Uok (104)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAKAHULUGAN ang tingin ni Mahinhin sa akin bago siya bumaba sa traysikel. Hindi na siya tumanggi nang sabihin kong ako na ang magbabayad. Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok sa gate ng kanyang bahay…’’

“Ano pong nangyari pagkatapos?” tanong ni Drew kay Basil.

“Hindi agad ako nagpunta sa kanila kahit na inanyayahan ako. Kasi’y sariwa pa sa isipan ko ang mga nangyari sa amin ni Pacita – yung unang babae na nagkaroon ng kaugnayan sa akin na nagbigti. Kinabahan ako na baka panibago na namang kaso ang mangyari. Kasi’y halos magkapareho sila --- ang asawa ni Pacita ay nasa abroad din at ganundin kay Mahinhin. Kumbaga ay nag-iingat na ako at ayaw nang maulit ang malagim na nangyari noon…’’

“Hindi ka po nagpunta kina Mahinhin?”

Napangiti si Basil.

“Hindi ako nakatiis, Drew. Hindi ako mapakali lalo na nang naalala ko ang pagkiskis ng aming mga hita habang nasa traysikel. Naalala ko rin ang makahulugang tingin ni Mahinhin na para bang hinihikayat ako. Mahina ako sa ganoon, Drew. Madali akong matukso. Siyempre, nagbigay na siya ng motibo sa akin. At ako naman ng panahong iyon ay nasa kainitan ang dugo. Kumbaga ay madaling lukuban ng bogli… alam mo yun, Drew?’’

“Opo, kalibugan po Daddy, este Sir Basil…’’

“Shhh, huwag mong ilakas at matalas ang pandinig ni Gab.’’

Napatango si Drew.

“Ano pong sunod na nangyari? A siguro ay nagtungo ka na sa bahay ni Mahinhin.’’

“Exactly. Hindi na nga ako mapakali. Umagang-umaga ay agad akong nagtungo roon. Nagtaka nga ang pinsan ko kung bakit daw maaga ako. Sabi ko, papasyalan ko lang ang isang kakilala. Paalala ng pinsan ko na mag-ingat.

“Nagmamadali ako sa pagtungo kina Mahinhin. Talagang sabik na ako. Nang dumating ako ay agad akong kumatok sa malaking bahay. Bago pa ang bahay. Matagal bago siya nagbukas ng pintuan. Nakangiti sa akin. Pinapasok ako. Isinara niya ang pinto. Hindi siya nagsasalita.

“Nang nasa loob na kami ay saka siya nagsalita. Akala raw niya ay hindi ako pupunta. Naghihintay daw siya. Sagot ko ay marami lang akong ginawa.

“Nagkatinginan kami. Nasulyapan ko ang mga hita niya na lumantad sa suot niyang bulaklaking daster. Nalislisan siya. Napalunok ako. Binawi ko ang pagkakatingin doon.

“Pero nagtaka ako kung bakit lalo pa niyang iniangat ang laylayan ng daster…”

(Itutuloy)

 

AKO

ANO

KASI

KUMBAGA

MAHINHIN

NANG

PACITA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with