^

Punto Mo

Uok (87)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAY nangyari uli sa amin ni Pacita. Unang pagkakataon para sa akin na sa ganoong lugar makipagtalik. May kaunti akong kaba dahil baka may makakita sa ginagawa namin ni Pacita. Pero katagalan, nawala na rin ang kaba ko at sinalubong ang nagbabagang katawan ni Pacita. Wala akong nakitang kaba kay Pacita. Talagang naging palaban ang babaing iyon. Masyadong mainit…”

Tumigil sandali si Basil at bumuntunghininga pagkaraan ay nagpatuloy sa pagkukuwento kay Drew. Sarap na sarap naman si Drew sa pakikinig kay Basil. Mahusay magkuwento si Basil. Malinaw na malinaw. Napi-picture ni Drew ang mga nangyari sa tabing sapa.

“Pero habang nagaganap ang kasalanan namin ni Pacita, paminsan-minsang pumapasok sa isipan ko ang gagawing pag-iwas sa kanya. Ito na ang huling pakikipagkita ko at pagtikim sa kanya. Tama na ang kasalanang ito. Pagka­tapos nito ay agad akong luluwas ng Maynila. Bahala na si Pacita sa buhay niya. Ayaw kong makisama sa kanya kahit pa sabihing siya ang bahala. Kahit pa sabihing may pera siyang ipon.

“Nang matapos kami sa ginagawa, inulit ni Pacita ang plano. Bukas daw ay magkita kami sa terminal ng bus, pupunta raw kami sa Batangas. Doon daw kami titira. Hindi raw kami matatagpuan doon. Magdala na raw ako ng damit. Tumango lamang ako. Sabi pa ni Pacita, mga alas kuwatro ng madaling araw kami magkita sa terminal. Mas mabuti raw na maaga para walang maka­kita. Tumango lamang ako nang tumango.

“Pagkatapos ay naghiwalay na kami. Pag-uwi ko, agad kong inilagay sa bag ang aking mga damit at nagpaalam sa aking pinsan na tinutuluyan ko. Luluwas na ako. Bakit daw biglang-bigla. Sinabi kong may aasi­kasuhin sa school. Nagmamadali ako sa pag-alis…”

(Itutuloy)

AYAW

BAHALA

BAKIT

BATANGAS

BUKAS

KAMI

PACITA

PERO

TUMANGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with