^

Punto Mo

Ang Alipin

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Si Aesop ay isang alipin at nakatakdang ibenta sa ibang amo dahil ang kasalukuyang amo niya ay nalugi sa kanyang negosyo. Lima silang alipin na isinama ng amo sa lungsod. Pagdating sa lungsod ay nadatnan nilang naghihintay na ang mayayamang bumibili ng mga alipin.

Si Aesop at ang mga kasama nito ay pinahanay at isa-isang ininterbyu ng isang mayamang lalaki. Mula sa mga bulung-bulungan ng mga tao, napag-alaman nilang ang lalaking ma­yaman na mag-iinterbyu sa kanila ay isang mabait na amo kaya excited silang magpasikat dito para sila ang masuwerteng mapili.

Ang tanong ng mayamang lalaki ay—Ano  ang gagawin ninyong trabaho kapag kinuha ko kayong alipin?

May sumagot na magiging hardinero sila, may magiging cook, may magiging labandero o all around alipin. Nang si Aesop ang tinanong kung ano ang gagawin niya — ang sagot niya ay: “Wala po dahil gagawin na nilang lahat ang trabaho”. Naisip ng mayamang lalaki na may utak si Aesop kaya’t ito ang kanyang pinili.

Nakitaan si Aesop ng katalinuhan ng kanyang bagong amo. Nakilala si Aesop sa kanyang wisdom at katapangan. May pagkakataong nagbibigay na rin siya ng payo sa mga hari kaya’t isang araw ay pinalaya na siya ng kanyang amo sa pagiging alipin. Noon naisip ni Aesop na magsulat ng mga kuwento na nakilala bilang Aesop’s Fable, koleksiyon ng mga kuwentong may moral lesson at karaniwang mga hayop ang karakter ng kuwento. Siya ay isang Greek na nabuhay noong 620-564 BC. Ang tanging puhunan ay talino at lakas ng loob upang maiahon niya ang sarili sa pagiging alipin.

vuukle comment

AESOP

ALIPIN

AMO

ANO

ISANG

MULA

NAISIP

SI AESOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with