‘Bus holdap’
PINAPAALALAHANAN ang mga sumasakay ng bus partikular ang mga nagba-byahe mula sa mga karatig-probinsya patungong Maynila.
Nagsimula na namang umatake ang mga holdaper at halang ang bituka sa lansangan ngayong taon.
Nakikisabay at nagpapanggap na mga pasahero sa umaga at gabi habang kasagsagan ng dagsa ng mga tao.
Alam nila kung anong oras at saang bus sila sasampa.
Kapag nakahanap ng oportunidad sa pakikipagsabwatan na rin sa mga putok sa buhong drayber at konduktor ng bus, madali nilang naisasagawa ang kanilang operasyon.
Hindi na bago sa BITAG ang ganitong uring modus operandi.
Taong 2007 pa, nabisto na ng BITAG ang estilo ng grupo ng mga holdaper na tinawag naming “Otso-Pares.â€
Walo ang miyembro ng grupo. Kalat silang nagpoposte sa loob ng bus. Kapag idinaan na ng drayber ang sasakyan sa mahabang fly-over, hudyat na ito ng kanilang operasyon.
Kahapon, “nilimas†ng mga armadong kalalakihan ang isang pampasaherong bus na byaheng Malanday-Alabang habang nasa kahabaan ng Edsa sa Quezon City.
Hinala ng mga pasahero, kakuntsaba ng mga holdaper ang drayber at konduktor dahil kumikilos sila pabor sa galaw ng grupo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District Kamuning Station 10, burado ang lahat ng mga mensahe sa inbox ng cellphone ng drayber na posibleng nakipagpalitan ng text messages bago ikinasa ang panghoholdap.
All Points Bulletin ng BITAG sa publiko lalo na sa mga sumasakay ng bus, laging maging alerto at ‘listo sa lahat ng pagkakataon.
Kung sakali mang magkagipitan ng sitwasyon, huwag nang tangkain pang makipagmatigasan at makipagtitigan sa mga kriminal upang hindi kayo mapag-initan.
- Latest