^

Punto Mo

Ano ang mas healthy: 2 o 4 na paa?

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

KAILANGAN ng katawan natin ang protina. Pero saan ba tayo makakakuha ng masustansyang protina na hindi masyadong mataba? Kadalasan, mas mababa sa taba ang mga hayop na dalawa ang paa kumpara sa apat na paa. Tingnan natin.

Hayop na dalawa ang paa:

Ang manok ay may dalawang  paa at ligtas itong kainin. Ang turkey ay may dalawang paa rin at isa ito sa pinaka-healthy na karne. Mababa ito sa taba at puwede sa mga nagdidiyeta.

Tips: Puwede tanggalin ang balat para makabawas sa kolesterol. Mas healthy ang breast o pecho. Bawasan ang paggamit ng gravy. Sa paraan ng pagluto, mas masustansya ang pag-bake at pag-ihaw.

Hayop na apat ang paa:

Mas mataas ang baboy at baka sa masamang taba (saturated fat). Ang baboy ay may apat na paa at sadyang puno ng taba, tulad ng pork chop, sinigang na baboy at balat ng lechon.

Ang baka ay mataas din sa taba. Ang mga t-bone steaks at rib-eye steaks ay maraming taba, kumpara sa mga parte na “sirloin” at “round” beef.

Tips: Sa baboy, nakahiwalay ang taba sa laman kaya mabilis itong tanggalin. Sa baka naman, nakasingit ang taba sa gitna ng laman kaya mas mahirap alisin.

Dagdag payo:

Puwede namang kumain ng karne mula sa hayop na apat ang paa (baboy, baka), pero gawin lang ito ng isa o dalawang beses kada linggo. Ang manok ay puwedeng kainin ng mas madalas.

Kung may sakit ka sa puso, mataas sa kolesterol o may lahi ng stroke, piliin ang karne mula sa hayop na may dalawang paa kumpara sa apat na paa.

Pero kung gusto talaga ninyo ng pinaka-masustansya, piliin na lang ang hayop na walang paa at may kaliskis. Siyempre, ito ang mga isda, tulad ng sardinas, tilapia at bangus na punumpuno ng Omega 3, ang tinatawag na good fats.

v

BAWASAN

DAGDAG

HAYOP

KADALASAN

MABABA

MAS

PAA

PERO

PUWEDE

TABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with