Walisin mga pasaway sa lansangan
Tuluyan na ngang kinansela ng LTFRB ang prangkisa ng 78 units ng Don Mariano Transit dahil sa sangkaterbang aksidenteng kinasangkutan nito na ang pinakahuli nga ay ang pagkahulog ng isa nitong bus sa Skyway na ikinasawi ng may 21 katao.
Ngayon matindi ang panawagan hindi lang ng ilang mambabatas kundi pati na rin ng commuters na sana raw maging sa iba pang bus company na laging nasasangkot sa aksidente ay aksiyunan na rin ng LTFRB.
Marami ang natuwa sa naging aksyon ng ahensya dahil sa ganitong paraan umano ay mawawalis na rin sa lansangan ang maraming pasaway na bus driver na naglalagay madalas sa panganib sa buhay ng kanilang mga pasahero.
Magsilbi na rin umano itong babala sa mga barumbadong driver na walang pakialam sa kaligtasan ng kanilang mga sakay.
Maging ang mga bus operators ay dapat na ring matuto rito at maging responsable sa pagkuha at pagdisiplina sa mga kinukuha nilang driver.
Marami pang mga bus company ang dapat na mututukan at maaksiyunan ng LTFRB dahil sa dami rin ng mga paglabag na kinasasangkutan.
Marapat lang talaga na ngiping bakal ang gamitin sa mga ito para matuto.
Hanggat hindi nagsasampol ang mga kinauukulan sa mahigpit na pagpapatuad sa batas ay magiging paulit ulit na lamang ang ganitong mga insidente at ang kaawa-awa ay ang mga mananakay na laging nasa panganib ang buhay.
Marami pangmga bus o bus driver ang grabe sa lansangan na ito ang dapat na mawalis.
Tutal din lang nagsampol na ang LTFRB at positibo ang tugon dito ng nakakarami sana ay magtuloy tuloy
Pihadong bukod sa luluwag ang mga kalsada abay mapoprotektahan pa ang kaligtasan ng mga commuters sa grabeng mga aksidente sa daan.
- Latest