^

Punto Mo

Uok (25)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GULAT na gulat sina Tiyo Iluminado at Tiya Encarnacion nang dumating si Drew. Tanghaliang tapat nang duma-ting siya. Katatapos lamang kumain ng mag-asawa.

“Ay lintik, bakit hindi ka man lamang nag-text na dara-ting ka, Drew?” sabi ni Tiyo Iluminado.

“Hindi ko na naisip, Tiyo. Sabi ko, bigla na lamang akong darating.’’

“Hindi man lamang kami nakapaghanda ng kakainin mo,” sabi ni Tiya Encarnacion.

“Oo nga. Yung ulam na na­tira ay adobong hito sa gata. Pagkasyahin mo na yun, Drew at mamaya ka na lang bumawi. Marami namang kanin diyan. Masarap ang kanin dahil bagong ani. Okey ba sa’yo Drew?”

“Opo, Tiyo, Tiya. Huwag kayong mabahala at kahit ano ay puwede ako. Kahit po kanin lang at asin ay puwede ako.’’

“’Yan ang gusto ko sa batang ito. Kaya paboritong-paborito ko. Sige, ibaba mo yang backpack mo at maghugas ka ng kamay. Masarap magkamay kapag adobong hito ang ulam. Sige na, Drew.”

Naghugas ng kamay si Drew. Pagkatapos ay naupo na sa bangko at nagsimulang sumandok ng kanin sa kaldero na nasa gitna ng mesa. Sinabawan ng manila-nilaw na gata ng adobong hito ang kanin at sumubo. Masarap! Walang kasing-sarap! Ito ang wala sa Maynila. Pwedeng mag-adobo ng hito pero hindi ganito kasarap. Ang hito na adobo ay halatang bagong huli.

Tiniridor niya ang laman ng hito. Manilaw-nilaw iyon. Ha­latang mataba at sariwa. Sinubo niya. Napakasarap!

“Bagong huli yan, Drew. Ang pinain ko para mahuli yan ay mga uok!’’

Narinig na naman ni Drew ang uok. Mamaya sisilipin niya ang bahay sa kabila at pati ang batalan.

“Kumusta naman ang daddy mo Drew?”

“Mabuti po. May padala siya sa’yo, Tiyo. Nasa sobre. Pati kay Tiya, meron din.’’

“Naku alam ko na kung ano ‘yun. Pera sigurado yun. Mabait talaga ang daddy mo.’’

Sumandok pa ng kanin si Drew at kumuha ng adobong hito. Napakasarap talaga!

“Sige kain pa, Drew. Yung sabaw ng buko ang inumin mo pagkatapos. Fresh na fresh yan.’’

Pagkatapos kumain ay ki­nuha ni Drew ang padala ng kanyang daddy kina Tiyo at Tiya.

“Ang kapal ng sobreng ito!” sabi ni Tiyo at binuksan. “Waw, limang libo! Napaka­bait ng daddy mo, Drew.”

“Malaki kasi ang suweldo ni Daddy, Tiyo.”

“Noon pa, lagi na akong bini­bigyan ng pera ng daddy mo.”

Pagkaraan ay pumasok na si Drew sa kanyang kuwarto. Ipinatong ang backpack sa papag at saka dumungaw sa bintana.

Nagulat siya sapagkat giba na ang bahay. Wala na rin ang batalan. (Itutuloy)

DREW

HITO

MASARAP

NAPAKASARAP

SIGE

TIYA

TIYA ENCARNACION

TIYO

TIYO ILUMINADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with