50 alituntunin ng kagandahang asal
KUNG tutuusin, simple lamang ang batas ng kagandahang asal ngunit marami ang nakakalimot na sundin ito. Kahit ang mga bata ay maiintindihan ito.
1. Huwag magsasalita hangga’t ‘di natatapos ang sinasabi ng iyong kausap.
2. Huwag makakalimot magpasalamat.
3. Iwasang mag-comment sa hitsura ng isang tao, puwera lang kung ito ay positibo.
4. Irespeto ang pila. Bawal ang pagsingit.
5. Mag-text muna bago tumawag.
6. Iwasang ikuwento sa ibang tao ang personal na bagay na dapat ay kayo lang magkakapamilya ang nakakaalam.
7. Kapag may hiniram ka, isauli kaagad ito.
8. Kapag magkakasalo kayo sa “sawsawan”, bumawas ka sa ibang pinggan.
9. Mag-excuse kung daraan ka sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
10. Huwag tumitig na parang tangang nakatunganga sa isang tao.
11. Gumamit ng headphone for personal audio.
12. Mag-flush pagkatapos gumamit ng restroom.
13. Kapag nasa pampublikong sasakyan kagaya ng bus or train, ibigay mo ang iyong upuan sa mas nangangailangan nito.
14. Huwag tagalan ang pakikipagkamay na halos ayaw mo na itong bitawan.
15. Ipaalam muna bago magsama ng extra guest sa party o simpleng pagdalaw sa bahay ng kaibigan.
16. Kapag nasira mo ang hiniram, palitan mo ito ng bago.
17. Tanggalin ang mga nanlugon na buhok sa shower drain matapos maligo.
18. Linisin ang kalat sa mesa pagkatapos kumain.
19. Hayaang lumabas ang mga tao sa elevator/train bago ka sumakay.
20. Huwag sumulyap sa phone ng iyong katabi na nagte-text.
21. Irespeto ang oras ng iba, iwasang mahuli sa appointment.
22. Kung may sipon at inuubo at hindi maiwasang lumabas ng bahay, gumamit ng face mask.
23. Huwag magbulungan kung nasa group setting.
24. Kapag nasa pila, maglaan ng space at huwag masyadong dumikit sa taong nasa unahan at likod.
25. Irespeto ang “do not disturb” sign. (Itutuloy)
- Latest

















