^

Punto Mo

EDITORYAL — Chinese spies, putulan ng sungay

Pang-masa
EDITORYAL — Chinese spies, putulan ng sungay

NAKABABAHALA na ang sunud-sunod na pagkakahuli sa mga sinasabing Chinese spies na nagsimula pa noong Disyembre 2024. At hindi pangkaraniwan ang mga taglay na gamit ng mga nadadakmang spies sapagkat sopistikado na kayang higupin lahat ang mga mahahalagang impormasyon ng mga tanggapan ng gobyerno.

Sa pagkakaaresto sa isang Chinese, ilang metro ang layo sa gusali ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros noong Abril 29, malaki ang posibilidad na may nakalap na siyang mga mahahalagang datos kaugnay sa nalalapit na election sa Lunes (Mayo 12). Naaresto ng National Bureau of Immigration (NBI) ang Chinese at nakuha sa sasakyan nito ang International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher. Ayon sa NBI, ang kagamitan ay sumasagap ng inpormasyon.

Ayon sa NBI, limang araw na nilang minamanmanan ang sasakyan ng Chinese. Nang ma-intercept nila ang sasakyan ay agad nilang inaresto. Pagbukas ng sasakyan, tumambad ang spy equipment na tinatawag na IMSI catcher. Nakapag-ikot na umano sa iba’t ibang mga gusali ng pamahalaan sa Maynila ang Chinese. Galing ito sa Padre Faura St. kung saan naroon ang Supreme Court at Department of Justice. 

Sinabi naman ni Comelec chairman George Garcia na walang mahahalagang dokumento sa Comelec main office. Wala umanong dapat ikabahala na mapapasok ng hackers ang mga mahahalagang impormasyon sa komisyon. Ligtas umano ang Comelec sa anumang masamang tangka.

Ang maigting na pag-surveillance ng NBI at ­Philippine National Police sa mga espiyang Chinese ay nararapat pang pag-ibayuhin. Hindi dapat maging kampante lalo pa’t noon pa lumutang ang mga sinasabing Chinese spies. Maski si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay inaakusahang espiya ng China.

Noong unang linggo Enero 2025, nahuli sa Palawan ang mga Chinese spies na sina Cai Shaohuang, Cheng Hai Tao, Wu Cheng Ting, Wang Yong Yi at Wu Chin Ren. Naaresto naman sa Makati City si Deng ­Yuanquing at dalawang Pilipino na nagsisilbing ­drayber nito. Nasamsam sa mga Chinese spies ang mga kagamitan na ginagamit sa pagsasagawa ng ­casing sa military camps at iba pang panguna­hing imprastraktura. Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mga espiya at sangkot sa illegal surveillance operations ang mga naarestong Chinese.

Hindi dapat tumigil ang NBI at PNP sa pagtugaygay at pagmamanman sa mga kahina-hinalang Chinese. Dapat mahuli ang mga ito. Tuunan din ng pansin ang mga government officials na nagtatrabahong espiya ng China gaya ng binulgar ni Sen. Francis Tolentino kamakailan. Putulan ng sungay ang Chinese spies!

SPY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with