‘Hintuturo sa’yo nakaturo’
KONTING daldal…konting pangako, isa lang ang mapaniwala, kwarta agad ang madidelihensya.
“Humingi ako ng tulong sa kanya, nagbayad ako pero wala naman siyang nagawa,†sabi ni Azel.
Inimbitahan ng isang kaibigang Chinese si Jayzel Cabay o Azel, 23 taong gulang, taga-Baguio City para magbakasyon sa bahay nito sa Brunei. Agad na inasikaso ni Azel ang mga kakailanganin niya para makarating lang doon. Ang kaibigan niyang si Mr. Chin ang tumulong sa kanya sa mga gastusin. Nakakuha na siya ng ‘tourist visa’, ayos na din ang kanyang passport. Tatlong buwan ang itatagal ni Azel doon.
“Pagdating ko sa airport, na offload ako. Kulang daw ako sa requirements,†pahayag ni Azel.
‘Affidavit of support’ at ‘Proof of relationship’ ang hinahanap kay Azel. Ito ay para makaÂsiguro ang embahada na may matutuluyan siyang bahay at hindi magiging pagala-gala sa Brunei.
“Pati school ID hinanapan ako. Nag-aaral kasi ako nun sa Alternative Learning School (ALS),†kwento ni Azel.
Sa kagustuhang makapunta ng Brunei, sa halip na umuwi ng Baguio lumapit sa isang ‘travel agency’ si Azel upang maayos ang kanyang mga papeles. “Tatlo kaming nagpunta sa MMC Travel Agency. Ang sabi sa amin magbigay lang kami ng PHP30,000 bawat isa sila na ang bahala. Para daw yun sa babayaran sa immigration, ticket at pagpoproseso,†kwento ni Azel. Si Corazon Corpuz ang kanilang nakausap. Ito din daw ang may-ari ng travel agency na hinihingan nila ng tulong.
“Nangako siya na kaya nilang ayusin sa immigration ang problema ko at makakalipad kami bago matapos ang buwan. Sa Cambodia daw kami unang pupunta dahil na-offload na kami papuntang Brunei. Mula dun saka na mag-eexit sa kahit na anong bansa,†salaysay ni Azel.
Puro umano pangako si Corazon sa kanila, ilang buwan na ang nakakalipas hindi pa rin sila nakakaalis. “Naubusan na ako ng pera pambayad sa tinutuluyan kong hotel. Wala naman akong kamag-anak dito na matitirahan kaya kung anong pera ang dala ko yun ang ginagamit ko,†sabi ni Azel. Wala nang mapuntahan si Azel at sinabi niya kay Corazon ang kanyang sitwasyon. Habang hinihintay na maisaayos ang kanyang mga dokumento pansamantala siyang pinatira ni Corazon sa bahay nito. “Nagpasya na akong umurong dahil wala namang nangyayari pero ang sabi sa ‘kin hindi na daw maibabalik ang pera ko,†ayon kay Azel. Sa kwento ni Azel, ginagamit umano ni Corazon ang pera pambayad sa opisina at ilan pang personal na pinagkakagastusan. “Hindi ako makauwi sa Baguio dahil walang wala na ako. Sa ngayon nakikitira lang ako sa kaibigan ko,†wika ni Azel. Dati nang nagtrabaho si Azel sa Brunei bilang ‘waitress’ sa Semporma Enac Restaurant. “Apat na buwan ako dun. Umuwi lang ako dito kasi nagkasakit ako,†sabi ni Azel. ‘Anemic’ siya at hindi niya kaya ang naging trabaho. Maliban sa pagiging waitress, kailangan niya ding maging kahera.
“Dun ko nakilala si Mr. Chin. Regular siyang kumakain sa pinagtatrabahuan ko,†pahayag kay Azel. Sa dalas ng pagpunta ni Mr. Chin, naging magkaibigan ang dalawa. Nang umuwi si Azel ng Pilipinas hindi sila nawalan ng komunikasyon sa isa’t-isa. “Inimbita niya ako na magbakasyon sa kanila. Siya ang nagbigay sa akin ng pera para malakad ko yung mga kakailanganin ko,†wika ni Azel.
Malaki ang pag-asa ni Azel na kapag may tourist visa siya makakapunta na siya ng Brunei dahil nanggaling siya doon dati. Hindi niya inaasahan ang naging problema kaya napilitan siyang lumapit kay Corazon.
“Tanggap ko na hindi na ako makakapunta ng Brunei dahil na-block list na ako. Ang gusto ko ibalik ni Corazon ang pera para makauwi ako ng Baguio. Hindi alam ng pamilya ko na ganito ang nangyari sa akin,†salaysay ni Azel. Inamin din sa amin ni Azel na may balak siyang magtrabaho ulit sa Brunei at si Mr. Chin ang tutulong sa kanya para makakuha ng ‘working visa’. “Sabi ni Corazon magbebenta daw siya ng property para lang mabayaran ako. Sa isang buwan kong pagtira dun, hindi lang ako nagrereklamo sa kanya,†kwento ni Azel.
PARA SA ISANG patas na pamamahayag, tinawagan namin si Corazon Corpuz. Kwento niya nag-usap na daw sila ni Azel noong Nobyembre 18, 2013. “Tatlo silang lumapit sa akin dahil na offload sila. Yung dalawa niyang kasama hindi na tumuloy dahil may nobyo pala dito sa Pilipinas,†wika ni Corazon. Napag-usapan umano nila ni Azel na magbibigay siya ng sampung libong piso sa katapusan bilang tulong. “Nagkataon naman na wala talaga akong pera. Parang anak ko na yan dahil tumira yan dito. Sabi ko mag-antay lang siya ng konti,†dagdag ni Corazon. Ayon pa sa kanya ang kasabayan umano ni Azel na si Jovelyn Quiata ang nagtakbo ng pera. “Negosyo ko ito, kapag kami ang natakbuhan ng pera malulugi kami,†sabi ni Corazon.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Azel.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, mahigpit ang immigration pagdating sa mga babaeng turistang nag-iisa (unescorted ladies) na pupunta sa mga bansang katulad ng Gitnang Silangan, Hongkong, Brunei, Singapore, Malaysia kung saan laganap ang ‘human trafficking’. Ang iba diyan, nagiging prostitutes pa nga. Sa usapin naman tungkol kay Corazon, sana ibinalik mo na kaagad ang pera para hindi ka na nakasuhan pa. Nangako kang magbibigay ng sampung libong piso sa katapusan. Hindi ka pwedeng magturo ng iba sa pagkakawala ng pera dahil sa iyo ipinagkatiwala iyan. Malay nila kung ibinigay mo nga yan? Kapag hindi mo tinupad yan sasampahan ka ng kasong ‘Estafa’. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
- Latest