^

Punto Mo

Sikat na fashion designer, balak pakasalan ang alagang pusa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Karl Lagerfeld, 77, ay sikat na fashion designer. Siya ang head designer ng fashion house Chanel.

Mayroon siyang alagang pusa na tinawag niyang Choupette. Mahal na mahal ni Lagerfeld ang kanyang 22-buwang gulang na si Choupette. Inampon niya ang pusa mahigit isang taon na ang nakararaan.

Sa sobrang pagmamahal ni Lagerfeld kay Choupette, lagi niyang inaalala ang kalagayan nito habang siya ay nasa opisina. Masyado siyang in-love sa pusa. Para masiguro ang kaligtasan ni Choupette, inuutusan niya ang kanyang mga maid na ilista ang mga nangyayari rito sa buong maghapon. Bawat kilos ni Choupette ay nararapat ilista. Pagdating ni Lagerfeld sa bahay ay binabasa niya ang mga naka-note ukol sa mahal niyang alaga.

Inamin ni Lagerfeld na aliw na aliw siya kapag minamasdan ang mga mata ni Choupette. Ang mga mata nito ang kanyang naging inspirasyon para sa kanyang cornflower-blue couture collection para sa Chanel.

Hanggang sa marami ang namangha (karamiha’y sa fashion world) nang ihayag ni Lagerfeld noong nakaraang Hunyo 2013 na pakakasalan niya si Choupette.

Marami na ang nag-aabang sa wedding of the year.

 

vuukle comment

BAWAT

CHANEL

CHOUPETTE

HANGGANG

HUNYO

INAMIN

INAMPON

KARL LAGERFELD

LAGERFELD

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with