^

Probinsiya

Binata, natagpuang patay sa ilalim ng tulay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Makikipagkita lang sa buyer ng laptop

BASUD, Camarines Norte, Philippines — Bangkay na nang matagpuan sa ilalim ng tulay ang isang binata na naiulat na nawawala ng halos apat na araw sa Bicol National Park ng Brgy.Tuaca sa bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Kahit halos hindi na mamukhaan dahil sa naaag­nas na pero kinilala ng mga kaanak base sa suot na pantalon, t-shirt, paha (leather belt), at bracelet ang bangkay ng biktima na si Jayson Clidoro, 38-anyos, residente ng Naga City, Camarines Sur.

Naiulat ng pamilya na nawawala si Jayson, alas-3 ng hapon noong Hunyo 27 na makikipagkita lang sa buyer niya umano ng laptop sa bayan ng Sipocot.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang aksidenteng matagpuan ng isang DENR forest ranger na kinilalang si Jai-ar Adlawan ang bangkay ng biktima sa damuhang bahagi sa ilalim ng tulay ng naturang lugar.

Agad ipinagbigay-alam ng forest ranger sa mga pulis ang nakitang bangkay na mabilis namang rumesponde sa lugar.

Hindi pa malaman kung ano ang ikinasawi ng biktima, kung paano napunta sa bayan ng Basud sa Camarines Norte at kung doon na mismo siya pinatay.

Isinailalim na sa autopsy ang labi ng biktima habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with