‘Kawatang lending business’
SADYANG may mga taong matatamis magsalita para makapanloko ng kapwa. Kung madadala ka sa kanilang boladas at masisilaw sa kikitaing pera, walang dudang mabibiktima ka.
Sina Julius at Marvic ay nabiktima ng isang babaeng nagpakilalang si Maritess Abuan, teller umano ng banko sa paÂngakong “double-your-money scheme†sa Ilocos Sur.
Taong 2010 pa raw nang alukin ng suspek ang mga biktima na maglagak ng pera sa kanyang lending business kaysa sa banko na mababa lang naman daw ang interes.
Pangako ng kawatan, buwan-buwan may matatanggap silang kita kung papayag sa inaalok nito.
Dahil sa “too good to be true†na pangako, agad nagbigay sina Julius at Marvic ng humigit-kumulang kalahating milyong pisong deposito.
Subalit ng dumating na ang araw ng kubrahan, ang nagpakilalang teller ng banko at may-ari umano ng lending business, hindi na mahagilap. Ang kanilang ipinagkatiwalang pera, natangay na rin ng kawatan.
Nang ipagbigay-alam ito ng mga biktima sa mga awtoridad, nahalungkat na noon pa palang 2012, may warrant na si Abuan sa Regional Trial Court ng Vigan, Ilocos Sur sa kasong estafa.
Babala ng mga awtoridad, malaki ang posibilidad na lumipat lang ng ibang probinsiya ang suspek at doon nambibiktima.
Nabatid din na ang bankong pinagtatrabahuhan ni Abuan, nagsara na noon pang Seytembre 2011.
Paalala ng BITAG sa publiko, huwag magpapadala sa matatamis na pangako nang madaliang kita dahil malamang ito’y modus.
Maging mapagkilatis sa mga estrangherong nag-aalok ng mga “too good to be true†na transaksiyon para hindi mabiktima ng mga kawatan.
- Latest