Ang asong kumakanta
KUNG ang ibang breed ng aso ay natuturuang umamoy ng bomba at ang iba naman ay natuturuang sumirku-sirko at tumalon sa mga nag-aapoy na alambre, lubhang kakaiba naman ang katangian ng asong basenji. Ang mga asong ito ay kumakanta!
Nagmula sa Central Africa ang breed ng basenji. Kakaiba sa mga lahat ng aso, ang basenji ay hindi kumakahol pero marunong namang kumanta. Umano’y iba ang shape ng larynx ng basenji. Sa halip na kahol, nagpo-produce ito ng unique na ungol na animo’y kumakanta at masarap pakinggan.
Umano’y isa sa pinaka-unang breed ng aso sa mundo ang basenji. Sa katunayan, sa mga tombs ng Egyptian pharaohs ay nakaukit ang mga basenji.
Ginagamit na pang-hunting ang basenji dahil maliit lang sila (9 kilograms) ang bigat.
Sa mga nakalipas na taon, nawala ang popularity ng basenji dahil sa ugali nito na mailap at mahiyain sa tao. Independent at hindi sumusunod sa training.
- Latest