Kaso ng babaing sinunog nang buhay dahil nagpa- praktis ng black magic noong 1627, binuksang muli!
APATNARAANG taon na ang nakalilipas mula nang kasuhan at patayin sa pamamagitan ng pagsunog si Katharina Henot dahil nagpapraktis ng black magic o witchcraft, muling bubuksan ang kaso. Nangyari ang pagsunog nang buhay kay Katharina noong 1627 sa Germany.
Hinuli si Katharina at tinorture. Nilitis at napatunayang nagpapraktis ng black magic. Hinatulan siyang mamatay sa pamamagitan ng pagsunog. Pero bago ang pagsunog, ipinarada muna siya sa kalsada ng Cologne. Habang ipinaparada na nakasakay sa isang kareta ay nakatali ang kanyang mga kamay. Ang mga taong nakakita sa kanya ay pagkasuklam ang nakalarawan sa mukha. Nanlilisik ang kanilang mga mata sa pagkondena kay Katharina.
Makaraang iparada si Katharina, dinala siya sa plaza at itinali sa poste at tinambakan ng mga kahoy saka sinilaban.
Sa pagitan ng 14th at 19th century, tinatayang nasa 25,000 katao sa Germany ang sinunog nang buhay dahil sa pagpraktis nang black magic.
Ang kaso ni Katharina ay muling nabuksan dahil sa maÂtiyagang pagsasaliksik at pag-aasikaso ng evangelical pastor na si Hartmut Hegeler. Malaki ang paniwala ni Hegeler na walang kasalanan si Katharina. Walang katotohanan ang bintang dito na nagpapraktis ng witchcraft o black magic ang kawawang babae.
Gusto niyang pabuksan ang kaso para malinis ang pangalan ni Katharina.
Ayon kay Hegeler, sa pagsisikap ni Katharina na maipagtanggol ang sarili ay gumawa ng sulat gamit ang kanyang kaliwang kamay. Umano’y napinsala ang kanang kamay ni Katharina dahil sa pag-torture.
Inaasahan ng pastor na malilinis ang pangalan ni Katharina sa kabila na 400 taon na ang nakalilipas.
- Latest