^

Punto Mo

‘Sisibol na Azkals’

- Tony Calvento - Pang-masa

“PRACTICE makes perfect” isang kasabihan sa salitang Ingles para magtagumpay kailangan magsanay.

Ang mga atletang nakakasungkit ng mga gintong medalya ay naglalaan ng maraming oras at mahabang panahon sa pag-eensayo.

Hindi lamang yun naghahanap din sila ng ibang makakalaban na higit na mas magaling at mas hasa sa kanila para mabatak ang kanilang mga abilidad. 

Pagdating ng laban handang-handa na sila.

Para magawa mo ito kailangan mo ng pera para matustusan ang isang ‘athletic program’.

Dito pumasok ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para matulungan ang ating mga kababayan na makamit ang tagumpay.

Dalawampu’t dalawang (22) mga bata na natuklasang may angking husay sa paglalaro ng ‘football’ sa ‘Kasibulan Grassroots Football Development Program’ na isa sa mga pinondohan ng PAGCOR.

Isang oportunidad ito para sa mga bata na mapabilang sa ‘football camp’ na tatagal ng tatlong (3) linggo sa United Kingdom.

Nagsimula ang pagsasanay ng mga batang Pilipino na may edad labing isa (11) pababa nung nakaraang ika-24 ng Agosto, 2013 sa ilalim ng mga tanyag at magagaling na ‘British coaches’ ng University of Loughborough.

Sila ay mananatili sa International Football Camp hanggang sa Setyembre 14, 2013.

Ayon kay Aquilino Pastoral III, National Grassroots Officer of the Philippine Football Federation (PFF) ang mga bata na napabilang sa UK Training Camp ang pinakamagagaling sa Kasibulan football festival na isinagawa sa buong bansa sa tulong ng PAGCOR.

Noong nakaraang taon naglaan ng P20 milyong pondo ang PAGCOR bilang pinansyal na tulong para sa pagtuklas at pagpapa-unlad ng mga talento ng batang katutubo na may edad anim (6) hanggang labing dalawa (12) sa larong football.

Dagdag pa ni Pastoral na ang mga batang ipinadala sa UK training camp ay produkto ng programang Kasibulan.

Sinabi naman ni PAGCOR Chairman and CEO Cristino Naguiat, Jr. na ang kaalaman at kasanayang matututunan ng mga bata sa international football camp ay mahalaga sa kanilang kabuuang pag-unlad upang maging tanyag at magagaling na atleta sa hinaharap.

“Ang mga batang ito ay may kakayahang maging mahusay na manlalaro ng football. Kinakailangan lamang silang maturuan at mabigyan ng tamang pagsasanay ng mga batikan at propesyonal na mga coach. Sa pamamagitan ng camp na ito ay mababago nila ang mga bata sa isang ‘world-class’ na atleta,” dagdag pa ni Chairman Naguiat.

Habang nasa UK football camp, ang mga Pilipinong manlalaro ay ilalaban sa iba pang mga bata na baguhan din sa larong football mula sa iba’t-ibang bansa na kasama rin sa tatlong linggong pagsasanay. 

Ito ay makakatulong sa pagsukat ng kakayahan ng mga bata sa kanilang mga matututunan sa kampo at mabigyan sila ng kauna-unahang pagkakataon na makapaglaro sa internasyunal kompetisyon.

Ang kinatawan ng Pilipinas para sa UK football camp ay nabuo sa pamamagitan ng sunod-sunod na programa ng Kasibulan Football Festival sa iba’t-ibang parte ng ating bansa nung nakaraang taon.

Ito ay ginanap sa mga probinsya ng Camarines Sur, Negros Occidental, North Cotabato, Dipolog at Cagayan de Oro.

Mahigit na 60,000 na mga batang mahilig maglaro ng football ang nakilahok sa Kasibulan football program.

Habang limang libo (5,000) namang mga ‘volunteer coaches’ ang sumuporta at sumali sa programang ito sa buong bansa.

Ang programang Kasibulan ay naglalayong lumikha ng mga manlalarong magiging kinatawan ng ating bansa sa darating na ‘international football competitions’ lalong-lalo na sa the FIFA Under-17 World Cup sa taong 2019.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon tungkol sa UK Football Camp at iba pang aktibidad ng ahensya maari kayong maglog-on sa official website ng PAGCOR na www.casinofilipino.ph at sa kanilang facebook account at twitter account.

(KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming numero 09213784392 (Carla) /09213263166 (Chen) / 09198972854 (Monique) at 09067578527 (Mig). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9:00 AM-5PM.

 nakaraang ika-24 ng Agosto, 2013 sa ilalim ng mga tanyag at magagaling na ‘British coaches’ ng University of Loughborough.

Sila ay mananatili sa International Football Camp hanggang sa Setyembre 14, 2013.

Ayon kay Aquilino Pastoral III, National Grassroots Officer of the Philippine Football Federation (PFF) ang mga bata na napabilang sa UK Training Camp ang pinakamagagaling sa Kasibulan football festival na isinagawa sa buong bansa sa tulong ng PAGCOR.

Noong nakaraang taon nag­laan ng P20 milyong pondo ang PAGCOR bilang pinansyal na tulong para sa pagtuklas at pagpapa-unlad ng mga talento ng batang katutubo na may edad anim (6) hanggang labing dalawa (12) sa larong football.

Dagdag pa ni Pastoral na ang mga batang ipinadala sa UK training camp ay produkto ng programang Kasibulan.

Sinabi naman ni PAGCOR Chairman and CEO Cristino Naguiat, Jr. na ang kaalaman at kasanayang matututunan ng mga bata sa international football camp ay mahalaga sa kanilang kabuuang pag-unlad upang maging tanyag at magagaling na atleta sa hinaharap.

“Ang mga batang ito ay may kakayahang maging mahusay na manlalaro ng football. Kinakailangan lamang silang maturuan at mabigyan ng tamang pagsasanay ng mga batikan at propesyonal na mga coach. Sa pamamagitan ng camp na ito ay mababago nila ang mga bata sa isang ‘world-class’ na atleta,” dagdag pa ni Chairman Naguiat.

Habang nasa UK football camp, ang mga Pilipinong manlalaro ay ilalaban sa iba pang mga bata na baguhan din sa larong football mula sa iba’t-ibang bansa na kasama rin sa tatlong linggong pagsasanay. 

Ito ay makakatulong sa pagsukat ng kakayahan ng mga bata sa kanilang mga matututunan sa kampo at mabigyan sila ng kauna-unahang pagkakataon na makapaglaro sa internasyunal kompetisyon.

Ang kinatawan ng Pilipinas para sa UK football camp ay nabuo sa pamamagitan ng sunod-sunod na programa ng Kasibulan Football Festival sa iba’t-ibang parte ng ating bansa nung nakaraang taon.

Ito ay ginanap sa mga probinsya ng Camarines Sur, Negros Occidental, North Cotabato, Dipolog at Cagayan de Oro.

Mahigit na 60,000 na mga batang mahilig maglaro ng football ang nakilahok sa Kasibulan football program.

Habang limang libo (5,000) namang mga ‘volunteer coaches’ ang sumuporta at sumali sa programang ito sa buong bansa.

Ang programang Kasibulan ay naglalayong lumikha ng mga manlalarong magiging kinatawan ng ating bansa sa darating na ‘international football competitions’ lalong-lalo na sa the FIFA Under-17 World Cup sa taong 2019.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon tungkol sa UK Football Camp at iba pang aktibidad ng ahensya maari kayong maglog-on sa official website ng PAGCOR na www.casinofilipino.ph at sa kanilang facebook account at twitter account.

(KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumu­log para sa inyong pro­blemang legal, ang aming numero 09213784392 (Carla) /09213263166 (Chen) / 0919­8972854 (Monique) at 09067578527 (Mig). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9:00 AM-5PM.

 

vuukle comment

BANSA

BATA

CAMP

FOOTBALL

HABANG

KASIBULAN

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with