^

Punto Mo

Ang ‘Bagpiper’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISA akong musician. Ang ginagamit kong instrumento ay bagpipe. Bilang bagpiper, marami akong “gig”. Wala akong tinatanggihang trabaho, kahit ang pagtugtog sa patay ay tinatanggap ko. Dito sa Amerika, mga Irish immigrant ang kadalasang kumukuha ng aking serbisyo. Tumutugtog din ako sa military funeral. Minsan ay may matandang sundalo na kumuha ng aking serbisyo. Ang kanyang best friend na isa rin sundalo ay namatay ngunit wala na itong pamilya. Mga tauhan lang ng sementeryo ang dadalo sa libing ng kanyang bestfriend. Hindi na kayang magbiyahe ng sundalo kaya magpapadala na lang siya ng bagpiper para naman maging espesyal kahit paano ang libing. Ibinigay sa akin ang address ng sementeryo at oras ng libing.

Natagpuan ko agad ang sementeryo ngunit nahirapan ako sa paghahanap ng mismong puntod na paglilibingan. Sa sobrang tagal ng aking pag-iikot, ako ay late na ng ilang minuto. Sa isipan ko, naibaba na siguro ang kabaong sa hukay at tinatabunan na ito. Sa wakas ay may nakita akong mga lalaki na nakapaligid sa isang hukay. Iyon na ang libing na hinahanap ko. Nagsimula akong tumugtog nang buong puso. Marahil ay nadala ang mga lalaki sa tinutugtog kong “Amazing Grace”. Tumigil sila at taimtim na pinakinggan ang aking tinutugtog. Nakita kong nagpahid ng luha ang mga ito. Napahagulgol pa ang isa. Natapos ang aking pagtugtog. Nang tumalikod ako para sumakay na sa aking kotse, narinig ko ang sinabi ng isang lalaki: “Wow ang galing! Ngayon ko lang naranasang tugtugan tayo ng bagpiper habang naghuhukay sa poso negro.”

AKING

AMAZING GRACE

AMERIKA

BILANG

DITO

IBINIGAY

IYON

MARAHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with