^

Punto Mo

Lampong (380)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAGAAN na magaan ang katawan ni Jinky ng umagang iyon na patungo sa Socorro para puntahan ang bahay ng lalaking may-ari ng beltbag. Naka-jacket at shorts na maong siya. Mas komportable siya kapag naka-shorts. Alam niya, maraming nakatingin sa kanya noong magtungo siya sa Socorro. Humahanga sa maganda at makinis niyang legs. Maski nang kumain siya sa isang restawran ay maraming lalaki ang sumusulyap sa kanyang legs. Parang noon lang nakakita ng legs ang mga lalaki. Sabagay talaga namang maganda ang hubog ng legs niya. Parang legs ng dalaga. Hindi halata na mayroon siyang isang anak.

Hindi na nagpaalam si Jinky kina Tina at Mulong. Sandali lang naman siya sa Socorro. Kapag naibigay na niya sa lalaki ang beltbag ay babalik na siya. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi naibibigay ang beltbag sa lalaki. Sabi ng nakausap niyang lalaki, kung minsan ay maraming tao sa bahay na iyon at minsan naman ay ang lalaki lang. Guwapo raw ang lalaki. Maaaring ang lalaking iyon ang may-ari ng beltbag. Siniguro ni Jinky na nasa kanyang handbag ang beltbag.

Sumakay sa traysikel si Jinky.

“Ihatid mo ako sa Musnit Street,” sabi niya sa drayber.

‘‘Naku malayo po yun, Ate.’’

‘‘Dadagdagan ko ang pamasahe ihatid mo lang ako.’’

‘‘E kasi Ate, ano… hindi ko kabisado yun.’’

“Ituturo ko sa’yo. Akong bahala sa’yo. Babayaran kita ng P200,’’ sabay dukot sa bulsa ng shorts na maong. “O, eto ang P200.’’

Bantulot ang drayber. Parang ayaw talaga.

“Sige na. Ituturo ko sa’yo.’’

“Kasi sabi po ng mga kapwa ko drayber, nakakatakot daw dun.’’

Nagtawa si Jinky.

“Anong nakakatakot?’’

“Kasi raw po merong nagmumulto roon.’’

Napahagikgik si Jinky.

“Sige sa bayan mo na lang ako ihatid. Lalakarin ko na lang ang patungo sa Musnit Street. Ayaw mo ba talaga ng P200?.’’

“Sori po Ate. May multo raw dun. Nasa tulay daw!’’

Tumakbo na ang traysikel. Pagdating sa bayan, bumaba siya at naghanap ng ibang traysikel. Pero wala talagang maghatid sa kanya sa Musnit Street.

Walang nagawa si Jinky kundi lakarin ang kahabaan ng Musnit Street. Malapit lang naman iyon. Tanaw nga ang tulay.

Habang naglalakad ay napangiti siya sa sinabi ng drayber na may multo raw sa street na ito. Totoo kaya? Baka naman nagda-drugs ang drayber at napa-praning na?

Ipinagpatuloy niya ang pag­­lalakad. Malapit na siya sa tulay. Nang sumapit sa tulay tiningnan niya ang ilalim nito. Pawang mga bato. Walang tubig.

Nilampasan niya ang tulay. Paano kaya nagkamulto rito?

Hanggang sa sapitin niya ang malaking bahay.

Tumawag siya.

“Tao po! Magandang umaga po!’’

Hanggang sa makarinig  siya ng mga yabag mula sa bakuran. May tao na!

(Itutuloy)

HANGGANG

ITUTURO

JINKY

KASI

LALAKI

LANG

MUSNIT STREET

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with