^

Punto Mo

‘Pawis na ‘di matuyo’

- Tony Calvento - Pang-masa

“SA PAGTANGGAP ng pera mabilis sila pero pag ka­ilangan ng ibayad sa may-ari napakabagal na.”

Ito ay isa lamang sa maraming reklamo ng mga nagngi­ngitngitang miyembro ng isang ahensya ng gobyerno. Isa na rito si Aling Olive Samortin, 56-taong gulang, taga-Pandacan Manila.

“Naagnas na ang bangkay ng anak ko pero hindi pa rin namin makuha-kuha ang burial benefit niya,” wika ni Aling Olive sa Social Security System (SSS). 

Kwento niya, naghuhulog daw ang anak niyang si Marizon Samortin, 28-taong gulang sa SSS simula 2006 hanggang nung namatay ito taong 2013 subalit nang pumanaw ay hindi raw nila nakuha ang ‘burial benefit’ ng dalaga.

“Una akong pumunta dun nung Mayo pero sabi, may problema raw sa 2006 na hulog ng anak ko. Sabi nila pumunta raw ako sa susunod na buwan pero ikatlong balik ko na ngayong Hulyo wala pa rin,” dagdag ni Aling Olive.

Si Marizon ay pangatlo sa apat na anak nila Aling Olive at “Mang Bernie”, 66-anyos  – retired OFW sa Oman. Nagtrabaho sa Petroleum Development ng Oman si Mang Bernie ng dalawamput dalawang taon. Sa sikap nilang mag-asawa ay napag-aral nila ang kanilang apat na anak sa mga ‘private schools’. Ang kanilang panganay na si ‘Myrna’ ay nag-aral sa AMA samantalang sa Lyceum of the Philippines University naman nag-aral ang pangalawa nilang anak na si ‘Michael’.

Si Marizon ay nakapagtapos sa MAPUA Institute of Technology ng kursong BS Chemistry at ang bunsong anak na si Mark ay kasalukuyang nag-aaral sa R.N.O. Academy Villamor bilang 4th year high school student. Mabait at masunuring anak daw si Marizon kaya’t hindi nila lubos matanggap na mag-asawa ang pagpanaw nito.

“Eskwela, bahay lang siya nung nag-aaral pa. Napakabait niyang anak. Wala siyang problemang ibinibigay sa amin,” pahayag ni Aling Olive. Taong 2012 ng una nilang mapansin na may malalang karamdaman ang dalaga. Ika-3 ng Hunyo taong iyon nang ma-stroke si Marizon. Pagkadala nila sa ospital ay napag-alaman nilang may ‘hyperthyroidism’ pala ito at may sintomas ng ‘lupus’.

Ang hyperthyroidism ay isang sakit kung saan sobra sa normal ang ginagawang ‘thyroid hormones’ ng ‘thyroid gland’ na matatagpuan sa lalamunan. Ang ‘thyroid hormones’ ang isa sa mga pinaka-importanteng hormones sa katawan dahil ito ang namamahala sa daloy ng dugo ng isang tao. Ang lupus naman ay isang sakit na umaatake sa mga ‘blood cells’ na panlaban natin sa katawan. Ang ating ‘immune system’ ang siyang namamahala upang malabanan ng ating katawan ang mga sakit. Nung Abril 2013 habang masayang nagsasalo-salo ang pamilya ng meryenda sa kanilang tahanan, bigla na lang daw yumuko si Marizon at hindi na nagising.

“Mahirap makitang kami pa ang maghahatid sa kanya sa hukay pero kailangan namin tanggapin,” ani ng ina.

Ilang buwan mula ng ili­bing ang anak, naalala nalang ni Aling Olive na ang kanyang anak ay kumpleto sa mga hinuhulog at kinakalatas na benepisyo buwan-buwan. Isa na rito ang SSS. Nagpunta siya sa SSS nung ikalawang linggo ng Mayo para kunin ang benepisyo subalit napag-alaman nitong may mali sa 2006 na hulog ng anak. Sinabi naman daw sa kanya ng SSS na aayusin kaagad ang burial claim at makukuha pagkaraan ng isang buwan pero Hulyo na ay hindi pa rin daw ito naayos. Dito na siya nagdesisyon na pumunta sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyer­nes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Aling Olive Samortin. Ipinakiusap namin siya kay Mrs. Lilibeth Soralbo ng SSS. Sinabi nitong aaksyonan nila ang kasong ito ni Aling Olive sa lalong madaling panahon.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang Social Security System (SSS) ay isang ahensya ng gobyerno na nagbibigay, nagpasiguro at namamahala sa mga benepisyo ng mga manggagawang Pilipino sa pribadong sektor. Itinatag ito upang tulungan ang mga empleyado sa panahong wala na silang trabaho o nawalan ng regular na mapagkakakitaan. Ipinatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat maghulog ang mga mganggagawa buwan-buwan ng kanilang ‘contribution’ para pagdating ng panahon ay may makukuha silang pera at hindi sila magiging pabigat sa ating gobyerno.  Maayos naman naming ipinaliwanag kay Olive na maghintay lamang siya dahil minamadali na ng SSS ang pag-aayos ng kanilang dapat matanggap. (KINALAP NI MIG RAMIREZ)

Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166(Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected].

ALING

ALING OLIVE

ALING OLIVE SAMORTIN

ANAK

MANG BERNIE

MARIZON

OLIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with