^

Punto Mo

Tanong at sagot

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

“Hi Wanna Bet! I’m a mother and an avid reader of Pang-Masa noong nasa Maynila pa ako. 30 years akong wor-king mom sa Makati at nagpalaki ng dalawang anak na lalaki. I am now based here in the US at laging nakasubaybay sa GMA Pinoy TV. When I left my kids, hindi ako sigurado kung ang bunso ko ay ‘alanganin’ pero may kahinaan siya until he admitted to me 2 years ago that he is gay and happy to be one. Sini-share ko lang sa iyo na ako ay isang proud mom (like Sol/Sinag in My Husband’s Lover) dahil he is an accomplished nurse and graduated with honors sa isang unibersidad sa aming bayan sa Bicol. My son is now successful in his profession and based in Australia.”

 Tama po iyan, Mommy. Hanga ako sa iyong maturity at pagmamahal sa iyong anak, bading man siya. Nawa’y parisan ka ng mga magulang na mayroong anak na “alanganin.” Kasarian lang naman iyan at hindi hadlang sa tagumpay sa buhay. Tungkulin ng mga magulang ang magbigay ng unconditional love at suporta sa mga anak.  

  Good morning Bettina, ako ay isang single dad mula sa Pandacan Maynila. Share ko lang na isang beses na umuwi ako ng madaling araw galing sa trabaho ay naratnan ko ang aking anak na lalaking nasa high school na nakasalampak sa sofa (nakatulog sa pagod) na naka-rollers ang buhok at may lipstick. Hindi ko pa siya kinukumpronta kung bading ba siya o baka naman school project lang iyon. In denial ba ako? Ni minsan kasi ay hindi ko naman siya nakitaan ng kalambutan o kakirihan. Wala akong hinala na may bading pala sa mga anak ko. May pag-asa pa kaya siyang maging lalaki?

 Sabi nga nila ang pagiging bakla ay hindi choice o gender preference kundi gender orientation. Nadarama lang nila na tila doon sila nakahilig. Kausapin at kilalanin ang iyong anak. May mga bata kasing dumadaan lamang sa phase na tila confused sila pero hindi naman natutuluyan. Habang may mga dumidirediretso talaga. May kilala akong basketball player, hanggang high school bading siya pero naging lalaki pa rin. At straight na siya ngayon. Hindi po malalaman hangga’t hindi kinakausap  nang masinsinan ang mga anak. Pero anuman ang kanyang kasarian, suportahan siya lalo na at wala na rin siyang ina. Kailangan niya ang emotional support lalo na’t nasa high school pa lamang siya.

Nananatiling namamayagpag ang My Husband’s Lover lalo na at nabuking na ni Lally ang relasyon nina Vincent at Eric. Ano ang reaksiyon mo rito? I-email sa [email protected]! Happy Monday, mga pare, mare at Maring!

AKO

ANAK

HAPPY MONDAY

HI WANNA BET

MY HUSBAND

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with