^

Punto Mo

Takot

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang malaki, mataba, matapang at tigasing bear na ang pangalan Thunder. Kilala siyang malupit sa kanyang kaaway. Halos lahat ng hayop ay takot lumaban sa kanya dahil parang tiniris na kuto ang nagiging hitsura ng mga hayop na kumalaban sa kanya. Ang nangyari tuloy, siya na ang itinuring na hari sa kanilang lugar.

Upang lalong masindak sa kanya, araw-araw ay nagpaparasyon siya ng maraming pagkain. Kailangan niyang lumaki at tumaba upang lalo siyang katakutan. Pinipilit ng kanyang nasasakupan na bigyan siya ng maraming pagkain araw-araw dahil ang panakot niya ay sila ang kakainin kapag wala na siyang makain. Sa sobrang dami ng kinakain, nadadagdagan nang nadadagdagan ang kanyang timbang ng 100 pounds per day.

Isang araw ay hinamon siya ng suntukan ng isang munting chipmunk. Naku, dumagundong ang boses ni Thunder sa sobrang pagtatawa. “Ikaw na payatot na chipmunk, ang naghahamon ng suntukan? Esep, esep muna kung may time.”

“Matagal ko nang pinag-isipan ito, bobo!” Sadyang tinawag niyang bobo si Thunder para mapikon at patulan siya. Bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo sa trono pero…sa sobrang taba ay hindi niya matanggal ang upuan sa kanyang puwet.

Sinamantala ito ng chipmunk, umakyat siya sa katawan ni Bear at pinagsusuntok ang mata. Palibhasa ay hindi siya makita, hindi tumatama sa chipmunk ang kanyang  mga suntok. Nang hindi na maka­gulapay si Thunder ay napilitang isuko niya ang trono sa chipmunk. Simula noon ay hindi na natakot ang mga hayop kay Thunder dahil hindi na nito maigalaw ang katawan sa sobrang katabaan. Kailangan pa ang isang munting hayop na maglakas-loob na lumaban para lang nila ma-realize na wala na palang lakas ang kinatatakutan nila.

Do not let the fear stop you from getting what you want. Life is short. Dream big, think tall and attract positive things into your life.

BIGLA

ESEP

IKAW

ISANG

KAILANGAN

KILALA

MATAGAL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with