Parusa sa lumimas ng pondo ng bayan
PANAHON na upang papanagutin ang sinumang opisÂyal ng gobyerno na lumimas sa pondo ng bayan kahit natapos na ang termino sa panunungkulan. Umano’y sadyang niliÂlimas o inuubos nila ang pondo ng cityhall o munisipalidad at iniwang bankarote ang kaban sa susunod na administrasyon. Mayroong iniiwang mga pananagutan tulad ng bayarin sa tubig, kuryente at pasuweldo sa mga empleyado.
Kung hindi hahabulin at papanagutin ang mga local na opisyal, mananatili ang ganitong sistema. Dapat maghigpit ang national government sa local na pamahalaan. Ipabusisi sa Commission on Audit (COA) ang mga gastusin ng outgoing governor or mayor. Nag-iwan ba sila nang sangkaterbang utang?
Pera ng taumbayan ang pondo ng city hall o munisipalidad kaya dapat pag-ingatan. Nagkakaroon ng pagkakataon na makapaghiganti ang natalong incumbent local official sa kalaban kaya sinasadyang iwanan o ipamana ang napakaraming problema. Dapat nasa maaayos na kalagayan ang pondo bago isailalim sa susunod na administrasyon para matiyak na walang nangyaring pag abuso sa kapangyarihan.
Halimbawa ay ang Maynila na sinasabing iiwanan ni Mayor Alfredo Lim na bankarote at nakaparaming utang tulad nang bayarin sa kuryente. Kung mapatutunayan na nagkulang ang administrasyon ni Lim, dapat lang siyang papanagutin at parusahan kahit pa wala na siya sa puwesto.
Nararapat maisayos ang ganitong sistema sapagkat sa dakong huli, ang taumbayan din naman ang magdurusa.
- Latest