Bakit kailangan nating tanggapin ang ‘imperfections’ sa buhay?
1. Para matutuhan nating unawain ang kapalpakan ng ibang tao.
2. Para mabawasan ang obsession natin na maging perpekto sa lahat ng bagay sa lahat ng oras.
3. Para tanggapin natin ang katotohanan na life is not perfect.
4. Para magkaroon tayo ng kapanatagan sa ating sarili kahit hindi umayon sa ating inaasahan ang mga pangyayari.
5. Para manatili ang pagpapakumbaba sa ating puso.
Paano mo haharapin ang mga tsismosa sa iyong workplace?
1. Seguraduhin na 100 percent na walang katotohanan ang tsismis na kumakalat tungkol sa iyo.
2. Kilalanin ang taong nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa iyo. Kailangan mo dito ang pag-iimbestiga at solidong ebidensiya. Maghanda ng mga ebidensiya na ang taong pinaghihinalaan mo ang totoong nagpapakalat ng tsismis upang kapag nagkaharap kayo, wala na siyang kawala.
3. Kausapin ang tsismosa nang masinsinan at kung nagtatapang-tapangan pa, magbigay ka ng ultimatum na idedemanda siya kapag hindi siya tumigil sa kakatsismis.
4. Move on.
5. Iwasan ang barkada ng mga tsismosa.
7 tao na dapat mong iwasan
1. Mababa ang pagkilala sa kanyang sarili.
2. Mga reklamador.
3. Mga taong pulos toxic or negative people ang kabarkada.
4. Mga taong mahilig magpamukha ng iyong mga pangit na nakaraan.
5. Mahilig magkumpara ng kanyang buhay sa buhay ng ibang tao.
6. Self-centered people. Siya na lang lagi ang magaling.
7. Mga taong pinoproblema kahit ang walang kuwentang bagay.
- Latest