Sa araw na ito...
Hi Wanna Bet, Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat sa pahayagang PangMasa. First time po naming bumotong magpipinsan dito sa Quezon at napag-usapan na namin na sabay-sabay po kami subalit kanya-kanya po kami ng mga gusto at napipisil na mamuno. Ikaw Wanna Bet, anu-ano ang iyong sukatan sa pagpili mo ng mga kandidato natin ngayong halalan? Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong pamantayan sa pagboto?
Magandang umaga rin sa’yo. Taon 2010 nang una kong maranasang bumoto at pinili ko talaga ang mga kandidato na may pagpapahalaga sa edukasyon, kalusugan, pampalakasan, kabataan, mga makapagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga kababayan; may pangarap para sa ating bayan, may konkretong programa para sa ating mga mamamayan, nagnanais na tayo’y makainom nang malinis na tubig at makalanghap ng sariwang hangin; may malasakit sa inang kalikasan; may dalang benepisyo para sa mga nakatatanda sa lipunan. Para ako sa matalino, masigasig, masipag, may isang salita, nakakaintindi at nakikinig sa hinaing. Ilan lamang ang mga ito sa mga ikinukonsidera ko. Good luck sa inyong pagpili.
Ngayon naman ay magdasal tayong lahat:
‘‘MAHAL NA PANGINOON, ang araw pong ito ay makabuluhan para sa sambayaÂnang Pilipino kung saan ay mamimili ng mga iluluklok bilang mga bagong pinuno. Maghari po sana, Panginoon, sa araw na ito ang katiwasayan sa bawat presintong pagdarausan. Ipagtiwala po natin ang araw na ito sa mga karapat-dapat na maglingkod.
Ngayon po ang araw na itinakda upang kami ay maging malaya sa pagpili ng mga kandidatong napipisil. Gabayan mo po kami sa maingat na pagpili ng mga kandidatong may tunay na malasakit sa kapwa, hindi mandaraya at magnanakaw mula sa kaban ng bayan. Yaong hindi sasamantalahin ang titulo at kapangyarihan upang makapang-abuso at makapanlamang ng kapwa. Na siyang maglilingkod ng tapat at magsisilbing mabuÂting halimbawa sa mga kabataan. Nawa’y mabigyan ng pagkakataon ang mga first-time candidates na maÂpatunayang kaya nilang ga win ang mga ipinangako. At sa mga hindi naman papalarin, tanggapin po sana nila ng maluwag ang magiging hatol sa kanila. Maraming salamat po, Panginoon. Patnuba-yan mo po kaming lahat. Amen.’’
- Latest